Breaking News, Showbiz

Kris may pinaghahandaan kaya gustong bumalik sa regular yoga practice

HINDI na nahihiyang ipakita ni Kris Aquino sa publiko ang hitsura niya sa tuwing umaatake ang kanyang sakit na autoimmune thyroiditis katulad na lang ng larawang ipinost niya sa Instagram, na ginamit rin namin sa artikulong ito. 

Bahagi na kasi ito ng life update niya upang ma-inform ang publiko sa mga nangyayari sa kanya, at the same time ma-inspire rin ang kanyang supporters at social media followers na maging matatag at huwag susuko sa anumang sakit at pagsubok.

Pero in fairness, ang sexy ni Kris sa picture at siyempre makinis pa rin ang balat niya.

Ayon nga sa caption ng IG post ni Kris, “I’ll point it out, my left eyeball is much bigger & protrudes more visibly than my right, that’s an indication my autoimmune thyroiditis is acting up… i can’t do vigorous exercises but i read up on a few breathing & morning meditation i can try while working myself up to going back to a regular yoga practice.”

May pahabol pa siya sa dulo ng kanyang post kaya gusto niyang bumalik sa pagyoyoga. “Yes, #maypinaghahandaan,” aniya.

Sa pag-amin ni Kris na may pinaghahandaan siya mukhang may pasabog at panibagong handog na naman siya ngayong 2021 na siguradong ikasasaya lalo na ng kanyang fans. At iyan ang aabangan natin!

Samantala, may rebelasyon pa si Kris sa isa pa niyang IG post na may kaugnayan din sa kanyang kalusugan. Tumitingin pala siya ng mabibiling bahay na malapit sa beach. Maganda kasi sa kalusugan niya kung yung lugar na titirhan niya o di kaya’y gagawing bakasyunan ay malapit sa nature partikular nga sa beach o kaya naman malapit sa mga bundok na may fresh air.

Sabi ni Kris sa IG post niya, “i went to check on some houses in Bataan- the development is beautiful BUT the houses nearer the beach are way beyond my budget… so i just had a lovely merienda w/ @mylynpc & her family… i’m so grateful they really treat bimb like 1 of their own & i’m secure letting bimb stay over w/ them for a few days when he needs to breathe fresh air & just be a regular 13 year old bonding w/ other kids close to his age.

“Before heading home, bumalik kami sa Bataan, i’m pretty sure ‘Orani’ – ang gandang bundok na may rainforest all around tapos may view ka na ng Manila. Malamig & super fresh air… kung may cell signal lang, i would love to live there because feeling ko i’d be so much healthier.”

Sa IG din ibinahagi ni Kris ang kanyang New Year’s resolution. “my 2021 resolution: everyday do something that makes me happy, and be sure to make another or others happy.  #lovelovelove  #2021

(BONGGA by GLEN P. SIBONGA / BISTADODAILYNEWS. NET)