Showbiz

 Kris maraming napasaya at natulungan sa 2020; Tuloy ang pagtulong sa 2021

NAGSILBING Santa Claus at Ninang si Kris Aquino sa marami nating mga kababayan lalo na sa kanyang supporters at followers sa Instagram at Facebook nitong Kapaskuhan. Pinasaya niya ang 90 winners sa kanyang Pamaskong Handog na P2,500 worth ng credits mula sa kanyang ineendorsong Shopee.

Kung tutuusin hindi lang ngayong Kapaskuhan nagpasaya at nagbigay ng tulong si Kris sa marami nating kababayan. Noon pa man ay naging ugali na ni Kris ang magbahagi ng blessings at tulong sa mga tao. At ngayon kahit may iniinda siyang sakit at hindi lubos ang pagiging aktibo niya sa showbiz ay patuloy na umiiral ang kabutihan ng kanyang puso at pagmamahal sa ating mga kababayan.

Nitong 2020 lalo na sa panahon ng pandemya dulot ng COVID-19 ay namahagi ng tulong si Kris sa maraming tao.

Noong kainitan ng usapin tungkol sa online education, maraming estudyante ang nakinabang sa ipinamahagi niyang laptops.

Last November naman ay namigay siya ng Whirlpool appliances sa maswerteng social media followers niya.

Mapapanood nga sa Instagram ni Kris ang pasasalamat ng mga taong napasaya siya at nabigyan ng tulong at biyaya.

Dahil nga likas kay Kris ang pagiging generous at pagkakawanggawa, tuloy ang pagtulong niya sa mga tao sa pagpasok ng 2021. This time yung mga taong nawalan ng trabaho na epekto ng pandemya ang tutulungan ni Kris.

Post nga niya sa kanyang IG, “alam kong sobrang swerte ako because i have the capacity to give my sons the gifts they were wishing for…

“now, this is my wish- na makatulong sa inyong makabangon, most especially yung mga na retrench sa trabaho.

“my mom by her example taught me: kung mag-isa ka lang na aangat, mas madali kang babagsak kasi wala kang natulungan para patibayin ka o saluhin ka sa oras na ikaw naman ang nangailangan.

“Nagpa compute po ako, ang weekly minimum wage is P2685… it’s my wish to give people hope that they still have a chance to find a new job, a new opportunity…

“My team will be resting but on January 3, we’ll announce the 50 of you who will be chosen from IG & FB to receive the P2685 from me.

“On January 25, my mom’s birthday, another 50 of you will receive P2685.

“It’s my way of expressing my love for all of you, my followers, and my feeling of being responsible to do what i can para tulungan ang Pilipinas na makabangon. LABAN NATIN ‘to… at maaasahan nyo ko.

“Let’s have a healthier, kinder, and more compassionate 2021! #lovelovelove

Mabuti na lang may mga taong katulad ni Kris na handang tumulong at magbigay ng kasiyahan sa ating mga kababayan.

Mabuhay ka, Ms. Kris Aquino! Happy New Year!

(BONGGA by GLEN P. SIBONGA / BISTADODAILYNEWS. NET)