Breaking News, Showbiz

Klea Pineda natupad ang pangarap na magpalipad ng eroplano

DREAM come true para sa Kapuso actress na si Klea Pineda ang mabigyan ng pagkakataong magpalipad ng isang eroplano. 

Ibinahagi ng ‘Magkaagaw’ star sa kanyang Instagram account ang ilang snippets ng kanyang training experience habang siya ay nasa cockpit ng isang maliit na eroplano kung saan tinuturuan siya ng isang professional.

“Kahit ano’ng mangyari, huwag na huwag kang titigil mangarap,” caption ng kanyang post.

Hindi ito ang unang beses na ipinahayag ni Klea ang kanyang kagustuhang maging isang piloto. Sa kanyang “Get to know Me Better” vlog, ipinaliwanag ni Klea kung bakit isa ito sa kanyang mga pangarap. “Isa ‘yun sa dream ko na maka-graduate ng aeronautics. ‘Yung pagpi-piloto, gusto kong ma-prove sa mga tao na hindi lang panlalaki ‘yun. Well, marami na rin piloto na babae ngayon and gusto kong maging isa dun. Parang nakaka-proud na nagagawa mo ‘yung akala ng tao before na panlalaki lang talaga.”

Samantala, abangan si Klea sa Afternoon Prime series na ‘Magkaagaw,’ Lunes hanggang Sabado, sa GMA-7!

*****

Owe My Love’ bagong aabangan sa GMA Telebabad 

Marami ang nagandahan sa pilot episode ng GMA Public Affairs romantic-comedy series na ‘Owe My Love’ na pinalabas nitong Lunes, Pebrero 15. Bida rito sina Lovi Poe at Benjamin Alves.

Bukod sa saya at kilig, may mga matindi rin itong eksena na papatok sa mga manonood. Isa sa mga tumatak sa first episode nito ay ang madamdaming eksena nina Doc Migs (Benjamin) at kanyang Lolo Badong (Leo Martinez). Si Lolo Badong ay may sakit na dementia at hindi na niya nakikilala ang apong si Migs. May kurot sa damdamin noong hinahanap ni Lolo Badong si Migs kahit na nasa harap lamang niya ito.

“Maganda ang role ko dito dahil it touches on senior citizens. Pinapakita rito (OML) ang mga problema at concerns ng senior citizens – na kailangan pagtuunan natin ng pansin ang mga senior dito sa ating bayan. Mayroon po silang mga pangangailangan at concerns,” naunang pahayag ni Leo sa virtual media conference ng ‘Owe My Love.’

May bago na namang aabangan ang viewers gabi-gabi. Mapapanood ang ‘Owe My Love’ mula Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m, sa GMA Telebabad.

(STARWORLD by ROMMEL GONZALES / BISTADODAILYNEWS.NET)