Breaking News, Showbiz

Kitkat pinatawad na si Janno, pero si Janno umalma!

SA pamamagitan ng kanyang Facebook account, ay nag-post si Kitkat ng mensahe na pinatawad niya na ang taong nakasakit sa kanya. Hindi man niya binanggit kung sino ito, obvious naman na si Janno Gibbs ang tinutukoy niya.

Nabalita kasi na minura at dinuro umano ni Janno si Kitkat during the taping ng kanilang noontime show na ‘Happy Time’ ng Net 25. Napikon umano kasi si Janno kay Kitkat dahil kinakampihan umano nito ang kalaban niya sa segment ng show nilang Kantanungan, na si Marco Sison.

Si Kitkat ang host ng segment na ‘yun. Naging dahilan nga raw umano ito para murahin at duruin ni Janno ang mahusay na komedyana. Pero sa kabila nito ay pinatawad na ni Kitkat si Janno.

Narito ang FB post ni Kitkat published as is:

“Maraming salamat sa suporta at pagmamahal ninyo. Dahil ako po ay minamahal ninyo at alam kong blessed ako, AKO PO AY NAKAPAGPATAWAD NA! sino ba naman ako para hindi magpatawad, ang DYOS pinatawad ako sa mga kasalanan ko , nararapat lamang na ako ay magpatawad… makakagaan sa aking buhay at loob… “Opo sa lahat ng nangyari ,,, totoo po lahat yun, pero again AKO PO AY NAGPAPATAWAD NA … thank YOU LORD for the strength.”

SAMANTALA, pagkatapos ng post na ‘yun ni Kitkat ay mabilis namang nagpost ng kanyang kasagutan si Janno Gibbs, at narito, as is:

“Nagpakumbaba napo ako. Tiniis ko ang pangBabash ng mga tao sa akin at sa aking pamilya. Humingi napo ako ng tawad kahit na siya ang tunay na nagumpisa ng lahat. I was provoked. Pinahiya sa harap ng maraming tao sa studio. Pinag-ayos napo kami kanina. Akala ko ay ayos na. Tinanggap ko napo kahit hindi niya ako sinuklian ng paumanhin. Ngunit ngayong gabi ay nagpost na naman siya. Pinalalabas na wala siyang kasalanan. Hindi ko napo kayang palampasin ito. Kailangan ko nang ipagtanggol ang aking reputasyon at higit sa lahat ang aking mga anak, na nakakatanggap din ng batikos sa mga tao. Oras na para malaman ng tao ang Buong katotohanan.”

So there po. Mukhang umiinit ang ‘giyera’ sa pagitan ng dalawa. Abangan po natin ang buwelta naman dito ni Kitkat.

 Kahapon ay live sana na mapapanood sina Kitkat at Janno sa ‘Happy Time.’ Kaya lang, dahil sumiklab na muli ang giyera sa pagitan ng dalawa kaya hindi na muna sila pinapasok sa kanilang show. Ang humalili sa kanila ay si Boobsie Wonderland at CJ Hirro, na isang newscaster.

Sa post ni Janno, chinat namin si Kitkat para kunin ang kanyang reaksyon. Ang reply niya sa amin, “Hi kuya ko ok na po ako yun na ung last kong post sa issue na yan nagpatawad na ako, i love u.

(HATAWAN by ROMMEL PLACENTE / BISTADODAILYNEWS.NET)