Breaking News, Showbiz

Kit Thompson, tanging Pinoy actor na nominado sa 45th Worldfest-Houston Panorama Asian Awards 

SI Kit Thompson ang tanging nominado para sa Best Actor category mula sa Pilipinas  para sa nalalapit na 45th Worldfest-Houston Panorama Asian Awards na ginaganap sa Houston,Texas, mula  April 22 to 25.

Kinilala ang husay sa pag-arte ni Kit sa  kanyang performance sa iWant Original film ‘Belle Douleur’ kung saa’y ginampanan ni Kit sa movie ang karakter ni Josh, a young and attractive antique dealer and rock musician who starts an affair with Liz, a 45-year-old, single clinical psychologist portrayed by seasoned actress Mylene Dizon.

The 54th Worldfest-Houston International Film Festival is set to showcase 35 new, award-winning independent feature films and more than 100 shorts from around the globe.

Balitang ang malakas na makakatunggali ni Kit sa best actor ay ang nominee from Japan, si Hideyuki Kawahara and Yuh Kamiya, who were both recognized for their performances in the movie “Sin-Gone Irony.”

Ang ‘Belle Douleur’ movie ay siya ring magsisilbing directorial debut ng long-time film producer Joji Alonso. Pinapanood ang ‘Belle Douleur’ noong  2019 sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival, kung saa’y nanalo ito ng audience choice award for full-length entries.

                                                          *****

            ‘Agimat Ng Agila’ sa May 1 na

SA May 1, o sa araw ng Labor’s Day, na ipapalabas ang “Agimat ng Agila” ni Senator Ramon ‘Bong’ Revilla sa GMA-7. Bagama’t nauna nang inanusiyo ng Kapuso na sa May 22 na ang pagbabalik-fantasy series ni Bong, isang magandang sorpresa ito sa action star na sabik na sabik nang mapanood ng kanyang mga fans sa mga iconic roles na may ‘agimat’.

Kaya naman agad na ipinost ni Senador Bong sa kanyang Facebook nitong Abril 21, Miyerkules, “Lilipad na sa GMA ang pinakaaabangan nating AGIMAT NG AGILA sa darating na May 1, ganap na 7:15 ng gabi!”

Kinumpirma din ng PEP Troika na malapit sa puso ng senador na sa Mayo 22,  Sabado, ito nakatakdang mag-premiere.Kaya’t paanyaya ng Troika,“Sama-sama nating salubungin ito sa pamamagitan ng biyaya at papremyo. Kaya huwag nang magpahuli at tumutok sa ating Facebook Live ngayong May 1, 5:00 pm!Siguraduhing tumutok kasama ang buong pamilya para sama-sama nating mapanood ang unang paglipad ng Agimat ng Agila sa GMA-7 pagkatapos ng ating Amazing Giveaway!“,ayon pa sa PEP Troika na naimbitahan sa preview ng first two episodes ng Agimat ng Agila noong Pebrero 12, Chinese New Year, sa tahanan nina Senator Bong at Mayor Lani Mercado sa isang exclusive village.”

Makakasama ni Senador Bong sina  Sheryl Cruz, Sanya Lopez, Roi Vinzon, Benjie Paras, Allen Dizon, Michelle Dee, Elizabeth Oropesa, Edgar Allan “EA” Guzman, at Yuan Francisco.

(TSIKA NI LOLA by ADOR SALUTA / BISTADODAILYNEWS.NET)