Breaking News, Showbiz

Kim Rodriguez saludo kay Mart Escudero bilang Victor Wood

SALUDO raw ang maganda at sexy Kapuso star at businesswoman na si Kim Rodriguez sa kanyang leading man sa pelikulang ‘JukeBox King: The Life Story of Victor Wood’ na si Mart Escudero na siyang gaganap na Victor Wood.

Kuwento nga ni Kim, “Sobrang galing umarte ni Mart, kapag kaeksena mo siya madadala ka talaga sa kanya, kailangan ready ka kapag kaharap mo siya kasi magaling talaga, ‘pag ‘di ka ready mahihiya ka sa kanya, kaya ako lagi akong ready.

“Kuhang-kuha niya si sir Victor Wood, inaral talaga niya nakakabilib, very professional.

“ Tapos sobrang bait niya, first time ko lang siya nakatrabaho pero first shooting pa lang okey na kami, ang gaan niyang katrabaho.

“Isa siya sa mga nakatrabaho kong aktor na gusto kong makatrabaho ulit.” aniya pa.

Bukod sa nasabing pelikula ay abala rin ang actress sa kanyang mga negosyo like Milk Tea, sariling clothing line at may sarili na rin itong brand ng relo.

Ang ‘Juke Box King: The Life Story of Victor Wood’ ay hatid ng EBC Films and Eagle Broadcasting Corporation, directed By Carlo Ortega Cuevas at pinagbibidahan nina Mart Escudero at Kim Rodriguez with Ms Elizabeth Oropesa, Alwyn Alas Uytingco, Paolo Marcoleta, Antonio Aquitaña, Kristel Fulgar, Jasmin Henry, and Jon Lucas.

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS.NET)