Breaking News, Showbiz

Kim Rodriguez pinarangalan sa Korea

ISANG karangalan para sa Kapuso actress at  29th Star Awards for Movies Best New Movie Actress of the Year, na si Kim Rodriguez, ang award  bilang isang influencer ng Korea Entertainment Star Sharing Volunteer Contribution Awards 2020 dahil sa kontribusyon nito sa larangan ng sining at kultura.

Matatandaang nagtungo noon sa Korea si Kim kasama ang kaibigan nitong Pinoy International actor na si Teejay Marquez para mag-promote ng Gangwon Province.

Ayon nga kay Kim sa parangal na binigay sa kanya ng Korea Entertainment Star Sharing  Volunteer Contribution Awards 2020,  “It’s an honor na makatanggap ng award from Korea, sobrang happy and blessed ako kasi ‘di ko po expected na mabibigyan ako ng award at international pa!  First international ko to.

“ Naalala ko lang na minsan kaming na-invite ni Teejay (Marquez) para pumunta ng Korea para i-promote ang Gangwon Province and baka yun din ang isa naging basis nila para bigyan ako ng award.”

Aminado si Kim na isa ang Korea sa bansang paborito niyang puntahan at balik-balikan dahil na rin sa magandang klima nito, masarap na pagkain at magagandang lugar.

Bukod pa dito ang pagkahilig niya sa panonood araw-araw ng mga  Koreanovelas, wish nga nito na sana ay makagawa siya ng proyekto sa Korea at makatrabaho niya ang ilan sa mga paborito niyang Korean actors.

Ani Kim,  Sa araw-araw ko na panonood ng K-Drama, minsan pinapangarap ko na sana ako ka yung kaeksena nila. Actually ngayon po nag-aaral ako online (Korean class), gusto  ko matuto ng language nila, para ‘pag nabigyan ako ng pagkakataong magkaroon ng project sa kanila handa na ako.”

At ang star ng ‘Crash Landing On You’ na si Hyun Bin, Song Joong Ki ng ‘Descendants of the Sun’ at si Song Hye Kyo ang ilan sa kanyang hinahangaang Korean actors na gusto niyang makatrabaho.

Mapapanood si Kim sa “The Lost Recipe” bilang si Dulce, na tutulong sa bidang si Chef Harvey (Kelvin Miranda) sa paglakbay nito sa nakaraan.

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS.NET)