Breaking News, Showbiz

Kim Rodriguez nalungkot sa pagpanaw ni Victor Wood

SOBRA-SOBRANG nalungkot at nanghinayang ang Kapuso actress na si Kim Rodriguez sa biglaang pagyao ng legendary Jukebox King na si Victor Wood.

Ayon nga kay Kim, “Nakakalungkot at sobrang  nanghihinayang ako kasi ni hindi ko man lang siya nakita o nakilala man lang during the time na nagsu-shooting kami ng ‘Jukebox King The Life Story of  Victor Wood’  na base sa buhay ni sir Victor.

“Ni minsan kasi ‘di nakapasyal si sir Victor sa shooting na nanduun ako and if may interview siya about sa movie dun siya ini-interview sa bahay niya, kaya wala talagang chance na ma-meet ko siya in person.”

Kuwento pa ni Kim kinalakihan niya raw ang mga awitin ni Victor Wood dahil
paborito ito ng kanyang lola na tuwing  umaga raw ay pinatutugtog ang  mga awitin ng Jukebox King.

“Naaalala ko noong bata ako laging pinatutugtog ng lola ko yung mga songs ni sir Victor, kaya kinalakihan ko na yung mga awitin niya.

“Kaya nung nalaman ko na makakasama ako sa pelikula tungkol sa buhay niya na-excite ako at sinabi ko sa sarili ko na sa wakas makikilala ko na siya  nang harap-harapan at maikukuwento ko na paborito siya ng lola ko at kinalakihan ko yung kanyang musika.

“Kaya nga sobra talaga akong nalungkot kasi di ko siya na-meet at hindi man lamang niya napanood yung movie tungkol sa buhay niya.”

At kahit wala na nga raw si Victor Wood ay mananatiling nakatatak na sa isipan ni Kim ang magagandang musika nito at hindi magsasawang paulit-ulit na pakinggan ito katulad ng kanyang lola at ng iba pang mga Filipino na minahal ang kanyang musika.

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS.NET)