Breaking News, Showbiz

Kim nag-enjoy sa 30-second grocery challenge; Erika Mae idol si Lea Salonga

HAPPY and blessed daw ang 2021 ng Kapuso actress na si Kim Rodriguez dahil tuluy-tuloy ang projects na dumarating sa kanya at isa na rito ang highest ratings serye sa News TV na ‘The Lost Recipe’ kung saan ginagampanan ni Kim si Dulce, ang may hawak ng mahiwagang libro.

Kuwento nga ni Kim nang makausap namin sa MushBetter Mart, “Ako po rito si Dulce, ako ang may hawak ng mahiwagang libro kung  saan nakasaad ang magic sa pagluluto ni Conchita at Consuelo. And siyempre madami silang aabangan dahil paiba-iba character ko dito.”

Dagdag pa nito, “ First time ko magkaroon ng regular show na fantasy kasi puro na lang ako nang aaway at kabet sa nga past role ko  hahaha.

“ Sobrang saya kami sa shoot, medyo matrabaho lang para sa aming direktor dahil may magic and need mag-green screen, pero happy kami sa taping para na kaming family, kailangan kung ano ka nung unang take dapat consistent yung emotion mo kasi uulit-ulitin para sa effects.”

Bukod nga sa ‘Lost Recipe’ ay  nag-participate din ito sa 30 Seconds Grocery Challenge ng MushBetter Mart na pag-aari ng young businessman na si Bright Kho. “Sobrang nag-enjoy ako, iba yung feelings nakaka-tense kasi may hinahabol ka na oras, pero sobrang saya  kasi first time ko sa ganong challenge and nagpapasaamat ako kay sir Bright sa opportunity na makapag-grocery nang libre.”

Dagdag pa dito ang kanyang guestings sa iba’t ibang shows ng GMA 7 at may dalawa din itong ginagawang pelikula. Abala din ito sa kanyang mga negosyo like Milk Tea, Clothing Line at may bago itong bubuksang negosyo ngayong taon.

                        *****

ANG  multi-awarded Pinay international singer/actress na si Lea Salonga ang idolo ng singer/actress na si Erika Mae Salas at ang makasama sa isang international   musical  play  ang pangarap nito.

Ayon nga kay Erika Mae nang makausap namin sa mediacon ng controversial movie na ‘Mamasapano’  na produced ng Borracho Film ni Atty. Ferdinand Topacio, kung saan isa ito sa cast ng nasabing controversial movie,  na gusto niyang sundan ang yapak ni Lea na sumikat sa International musical play na Miss Saigon.

“Bukod po sa pagkanta at pag-arte dream ko din po ang makasama sa isang International musical play katulad po ng idolo kong si Miss Lea Salonga na sumikat sa Miss Saigon. Sobrang galing po ni Miss Lea kasi naka-penetrate siya sa broadway at ang dami niyang nagawang musicale play at nanalo pa siya ng award.

“Sana nga po dumating yung time na makatrabaho ko din siya at isa po yung dream come true at malaking achievement para sa akin. Kaya nga po sa ngayon nanonood ako sa youtube ng iba’t ibang musical play at mga kanta dito para pag nagkaroon ng audition magta-try ako baka sakali pong matanggap.”

Sa ngayon daw ay abala si Erika Mae sa kanyang online class, singing at sa kanyang TV guestings at promotion ng pelikulang ‘Mamasapano.’

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS,NET)