Breaking News, Showbiz

Kevin Santos gaganap bilang Petite sa ‘Magpakailanman’

BIBIGYANG-BUHAY ng Kapuso actor na si Kevin Santos ang kuwento ng komendyanteng si Petite o Vincent Aychoco sa brand new episode ng real life drama anthology na ‘Magpakailanman’ ngayong Sabado (March 6).

Nang maghiwalay ang mga magulang ni Vincent (Kevin), pinili niyang sumama sa kanyang amang si Arvin (Dennis Padilla) kahit hindi nito tanggap ang pagiging bakla niya.

Makikilala ni Vincent si Jessica (Snooky Serna), isang babaeng mas matanda sa kanya pero tanggap ang pagiging beki niya. Kaya kahit kasing edad nito ang kanyang ina, makikipagrelasyon siya rito para mapasaya ang kanyang ama. May anak din si Jessica na kasing edad ni Vincent, si Alma (Ashley Rivera).

Laking gulat nina Vincent at Jessica nang malamang may relasyon pala sina Arvin at Alma! Bukod dito, nagdadalang-tao pa ang dalaga. Paano magsasama-sama sa iisang bubong ang kakaibang pamilyang ito?

Tutukan ang episode ng #MPK na pinamagatang “When I Fall in Laugh: The Vincent Aychoco Story” ngayong Sabado, 8:00 pm, sa GMA-7.

                        *****

‘ YouLOL Comedy Night Live’ may special guests

Mas pasasayahin ng comedy YouTube channel ng GMA na ‘YouLOL’ ang Friday night ng Kapuso viewers sa espesyal at bagong episode nito simula ngayong gabi (March 5)!

Tampok ang kulitan at performances ng talentadong grupong Gen Dolls at stand-up comedian na si Ian Red sa Comedy Night Live.

Ang Gen Dolls na sina Mariko, Crissy, at Mariel ay unang sumikat sa kanilang pagsali sa Britain’s Got Talent noong 2018. Ngayon ay parte na sila ng tinututukang GTV original game show na ‘Game of the Gens,’ kung saan hosts sina Sef Cadayona at Andre Paras.

Abangan ang ‘YouLOL Comedy Night Live’ ngayong gabi, Biyernes, 8PM, sa YouTube, Facebook, Twitter, at TikTok!

(STARWORLD by ROMMEL GONZALES / BISTADODAILYNEWS.NET)