Breaking News, Showbiz

Kelvin Miranda sinusuwerte ngayong 2021

MASUWERTE ang Kapuso star na si Kelvin Miranda na alaga ng kaibigan naming si Tyronne Escalante dahil sunud-sunod ang suwerteng dumadating dito mula nang magsimula ito sa showbiz.

Unang-una na riyan ang magagandang proyektong ibinibigay dito ng Kapuso Network at isa na rito ang pinagbibidahan nitong serye sa GMA News TV, ang ‘The Lost Recipe.’

Bukod nga sa magagandang proyekro ay humahakot na rin ito  ng awards na ang bago ay ang parangal na natanggap nito bilang Best Young Actor trophy mula sa 7th Urduja Heritage Film Awards para sa role niya sa Netflix film na ‘Deadkids.’ Nanalo rin siya as Best Actor para sa nasabing pelikula mula sa same award giving body.

Tumanggap din ito ng award sa 4th Asia Pacific Luminare Awards bilang Philippines’ Fast Emerging Actor of the Millenium.

Ayon nga sa actor sa interview nito sa GMA,  “Hindi ko tinitingnan na sobrang mahalaga ang recognition, pero naa-appreciate ko ‘yun. Sobrang saya ko, pero resulta lang naman ang recognition ng pagtatanim mo nang nakayuko.

“Kumbaga, pagpupursige, pagsusumikap sa mga bagay na gusto mong gawin.

At sa ngayon ay isa na rin ito sa ambassador ng Bench kung saan makikita sa kahabaan ng EDSA ang bilboard nito.

                        *****

Klinton Start nag-enjoy sa guesting sa Net 25

NAG-ENJOY nang husto ang talented teen actor at tinaguriang Supremo ng Dance Floor na si Klinton Start sa guestings nito sa Net 25  shows (Happy Time at Eat Singing Time) kamakailan.

Ito raw ang kauna-unahang pagkakataong naging celebrity player ang PPop Artist kasama ang mga co-Ppop Artist nito na sina JB Paguio, Godwin John Clifford at Ronnel Lego.

Ayon nga kay Klinton, “Isang memorable experience po yung naging celebrity player kami sa games ng ‘Happy Time’ and ‘Eat’s Singing Time,’ ibang-iba siya sa usual na ginagawa namin na nagpeperform sa mga TV shows at mall shows. Iba yung kaba, kasi  this time it’s either manalo o matalo ka, pero ang mahalaga nag enjoy kami ng sobra.

“Ang maganda at masaya pa po ay kasama ko yung nga kaibigan at co-Ppop Artist sa games. Kaya nga thankful ako kay Sir Ian Cesar Batingal  sa opportunity na makapaglaro kami sa ‘Happy Time’ at ‘Eat’s Singing Time.’ Sana nga po makabalik at makapaglaro kami ulit sa mga shows ng Net 25. “

Sa ngayon daw ay abala si Klinton sa kanyang online school habang isinasabay nito ang pagpapaganda ng katawan para sa kanyang mga future projects lalo na’t naantala ang dapat sana’y regular TV show nito dahil sa Covid 19.

Pero matutuloy pa din naman daw ito kapag okey na ang lahat at bumaba na muli ang kaso ng merong Covid 19 sa bansa .Miss na miss na nga raw nitong mag-taping at mag-perform sa mga mall at provincial shows dahil almost isang taon na rin daw nang last na nakapag-mall at provicial show siya.

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS.NET)