Breaking News, Showbiz

Kelvin Miranda natupad na ang pangarap na billboard sa EDSA

SUNUD-SUNOD ang blessings na natatanggap ng ‘The Lost Recipe’ star na si Kelvin Miranda. Marami ang nakapansin sa kanyang napakaganda at bonggang billboard bilang endorser ng isang clothing at lifestyle brand sa EDSA.

Inamin ni Kelvin — na kilala rin ngayon as Chef Harvey dahil sa kanyang hit show — na bata pa lang siya ay curious na siya kung ano ang pakiramdam na magkaroon ng billboard.

“Sa totoo lang po, mula noong bata ako iniisip ko kung ano’ng pakiramdam na magkaroon ng billboard at nasagot lamang ang katanungan na ‘yun gawa nitong billboard sa Bench,” ani Kelvin.

            Natatawa pang inamin ni Kelvin na napa-wow siya nang makita ito. “Kakaiba ‘yung pakiramdam dahil namangha ako sa sarili nang makita ko sa EDSA ‘yung billboard ko.”

            Samantala, patuloy pa ring namamayagpag sa ratings at sa social media ang ‘The Lost Recipe’ kung saan kasama niya si Mikee Quintos. Kanya-kanyang theory ang viewers at netizens kung ano ang mangyayari sa serye dahil sa dami ng twists at revelations nito!

            Panoorin ang kapana-panabik na kuwento ng ‘The Lost Recipe,’ 8:15 p.m. sa GTV.

            *****

            ‘My Stalker Girlfriend’ sa MPK

            Ngayong Sabado sa #MPK, panoorin ang kakaibang kwentong pag-ibig ni Christine. Patutunayan n’ya na hindi dahil isa siyang babae ay hindi na siya puwedeng gumawa ng unang hakbang para magka-lovelife. Para kay Christine, hindi lang lalaki ang puwedeng umamin ng nararamdaman niya para sa taong mahal niya. Kaya naman, halos maubos niya ang alphabet kakaplano para mapansin lang siya ng super crush niyang si Enzo!

Pero si Enzo, naaasiwa sa kakulitan ni Christine! Hindi rin niya trip ang palaging over-the-top na attire nito. Dumating na sa punto na halos itaboy na nito palayo si Christine. At tulad ng ibang lalaki na nasasaktan at nawawalan ng pag-asa, gusto na ding sumuko ni Christine.

Tuluyan na nga bang mawawasak ang puso niya? Ano-ano kayang mga aral ang matutunan ni Christine sa journey n’yang ito?

Abangan sa #MPK ngayong Sabado, February 27, ang pagganap nina Kate Valdez at Migo Adecer sa isang kuwentong puno ng hugot, aral sa buhay at pag-ibig. Makakasama din nila sa episode sina Karenina Haniel at Jerrick Dolormente.

Ang My Stalker Girlfriend’ ay sa ilalim ng direksyon ni Don Michael Perez, mula sa panulat ni Loi Nova at pananaliksik ni Cynthia Delos Santos.

(STARWORLD by ROMMEL GONZALES / BISTADODAILYNEWS.NET)