Breaking News, Showbiz

Kelvin at Mikee kapwa nagka-crush sa mga naging co-star

NAPANOOD namin ang guesting ng lead stars ng fantasy-romance series na ‘The Lost Recipe,’ na sina Kelvin Miranda at  Mikee Quintos sa Pep Live kamakailan, na sumalang sila sa I have/I have Never challenge. Ito ay laro, na ang tanong sa kanila ay sasagutin nila ng I Have o I Have Never. At ipapaliwanag nila kung bakit ‘yun ang sagot nila.

Sa tanong sa dalawa kung nagkaroon ba sila ng crush sa co-star o nakatrabaho na nila, ang sagot nila pareho ay I Have. Si Mikee nu’ng una, ay ayaw niyang sabihin kung sino.ang crush niya. Secret daw. Pero umamin na rin siya na si Kristoffer Martin ang crush niya, at alam naman daw ‘yun ni Kelvin.

Si Kelvin naman ang crush niya, ay si Liza Soberano. Nakatrabaho niya raw ito sa isang TV commercial. Nu’ng nakita niya raw ang girlfriend ni Enrique Gil, ay na-starstruck daw siya rito. Para raw itong barbie doll na naglalakad. Pero that time raw, ay hindi pa maputi si Liza, morena lang daw ito. Pero ngayon daw ay maputi na.

Nang tanungin naman sila kung may in-unfriend o in-unfollow na sila sa social media na close sa kanila, ang pareho pa ring sagot nila ay I have.

Sabi ni Kelvin, “Nararamdaman ko kasi na hindi totoo sa akin ‘yung tao. Pero sinabi ko naman na ia-unfollow kita kasi hindi ako kumportable, dahil alam ko naman na hindi ganito ‘yung level ng pagkakaibigan natin.”

Sabi naman ni Mikee, “Ako naman it’s not anyone in showbiz. So, hindi naman kilala kahit sabihin ko kung sino.”

Napansin lang namin habang pinapanood namin sina Kelvin at Mikee, ay bagay sila, may chemistry sila. Tama lang na sila ang pinagpareha sa ‘The Lost Recipe,’ na napapanood weeknights, 8:00pm sa GMA News TV.

(HATAWAN by ROMMEL PLACENTE / BISTADODAILYNEWS.NET)