Breaking News, Showbiz

Keann Johnson and JR Versales on their kiss: ‘Mesherep!’  

NAPANOOD na namin ang pinakabagong BL movie titled ‘Run’ on a special screening para sa piling-piling press kagabi, ika-16 ng Enero, 2021.

            Before the screening ay interview portion muna sa mga guwapong bida, sina Keann Johnson and JR Versales, who gamely answered questions. Siyempre, dahil BL (Boys Love) ang tema ng pelikula, alam na agad nating tungkol ito sa sekswal na relasyon ng dalawang bidang lalaki. At iyon agad ang itinanong namin, if how daring sila sa pelikula, gaano kainit ang mga lovescenes nila, at sino ang mas daks sa kanila.

            Sabay pang natawa sina Keann at JR bago sumagot kung sino ang mas daks sa kanila. Anila’y hindi naman daw nila nakita ang kanil-kanilang ari, but admitted na mayroon silang bedscenes na talagang magpapainit ng manonood.

“We are focused on the characters we are playing po!” say ni Keann, who played lead role in the MMFF film ‘The Boy Foretold By The Stars.’ This ‘Run’ is his second BL film.

Nang tanungin kung paano nila ide-describe ang kanilang kissing scenes, pareho ang isinagot nila – “Mesherep!” saka sabay uling nagtawanan.

Kapwa guwapo sina Keann and JR at malakas ang dating. Those who love watching BL films will surley like them, lalo na at game na game sila sa mga eksena nila ng romansahan.

And watching the movie, we saw two young guys na hindi lang kaguwapuan ang kayang ipakita, they too can act. Mahirap ang role nila dahil hindi ito basta pa-cute na pelikula that need to display their body, isa itong emotionally draining film na talagang kalangan nilang umarte at magpakita ng damdamin. If you don’t know how to act, masasayang ang role, and yet Keann and JR delivered well.

At totoo, ang ganda ng execution ng lovescenes nila, artistically done at hindi ginawa para lang mangiliti. It was done in good taste – eksena sa pool, sa bed, sa falls, etc. Maso-solve ang mga viewers ng BL films sa mga romantikong eksena nila. But then again, we are telling na hindi basta pa-cute at romansahan ito, you will see them acting.

‘Run’ is directed by Mel Magno who is also a songwriter. Siya ang nag-compose ng magagandang awitin na kasama sa movie. This will be shown on KTX.PH starting January 22, 2021.

(TIK AT TIK by SANDY ES MARIANO / BISTADODAILYNEWS.NET)