Breaking News, Showbiz

Keann and JR, parehong straight, game sa man-to-man lovescenes

KAPWA straight guy sina Keann Johnson and JR Versales, but their role in ‘Run,’ a BL (Boys Love) film, requires them to do unlimited lovescenes, hubaran at romansahan.

            And how did they gamely manage to do those scenes?

            “May tiwala naman po kami kay direk Mel Magno, tinuruan niya kami ng gagawin.” ani Keann and JR.

            Sa kausuhan ngayon ng BL films, kung hindi makikiuso ang isang aktor, malamang na mawalan siya ng proyekto. So as they say, acting lang naman iyon, kailangan nilang gampanan ang role kahit hindi sila iyon sa tunay na buhay. In that way, doon nga nila mapapatunayan that they are real actors. Kapag nagampanan mo ang role na malayo sa karakter mo sa tunay na buhay, it is a good sign that you are born actor.

            ‘Run’ is a story of two young guys who are both running for life, one ran away from his military father who condemns his being gay, and the other ran away from the province to live alone in the city — both are running  to seek love. And they met. And loved each other.

            Sa mahihilig sa mga ganitong klase ng pelikula, tiyak na masisiyahan. Parehong guwapo sina Keann and JR, both ooze with sex appeal, at bonus na bonus pa ang mga hubad nilang katawan na ibinuyangyang dito, mga lovescenes na tiyak na magpapainit ng inyong imahinasyon.

            Keann was part of the MMFF movie ‘The Boy Foretold By The Stars’ at second BL film niya itong ‘Run.’ Kumbaga, hindi na siya baguhan  sa paggawa ng pelikulang may mga eksenang man-to-man. Si JR naman has been part of ‘Reklusyon’ and Signal Rock’ in the past, but ‘Run’ is his biggest role ever,  he is totally new on BL films, kumbaga, baptism of fire niya ito.

            As a newcomer on BL genre, we can say that JR has passed it with flying colors. He is seen right at the very start of the movie, sa kanya nagsimula ang pelikula. His emotions were built up right at the start, kung baguhan nga lang at first BL movie pa, he must be good. Kasi nga’y dramatic agad ang eksena, emotions were building up towards the entire movie. Mabibigat ang mga eskena niya at may romansahan man sila ni Keann, still the emotions are high, lalo na sa papuntang ending.

            Directed by Mel Magno, ‘Run’ will be showing on KTX.PH starting January 22, 2021.

(TIK AT TIK by SANDY ES MARIANO / BISTADODAILYNEWS.NET)