Breaking News, Showbiz

KathNiel 2 ang gustong maging anak; Derek at Ellen magkapitbahay lang daw ang relasyon

SIGURADONG kikiligin at matutuwa ang libu-libong KathNiel fans sa latest one-one-interview ng reel at real couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa special Valentine’s Day episode ng kanilang YouTube channel, Everyday Kath. Sa nasabing interbyuhan, kaswal nilang napag-usapan ang tungkol sa kanilang future plans simula nang sila’y maging boyfriend-girlfriend, walong taon na ang nakakalipas.

“We’ve been together for almost nine years now.  Mag=a-anniversary na kami in May. But na-realize ko, ang dami ko pa palang hindi natanong kay DJ na random questions,” bungad ni Kathryn.

Patuloy pa ng dalaga,”So hopefully after this episode mas makilala ko pa siya lalo.”

Isa sa mga naitanong ni Kath sa kanyang boyfriend ay kung pinagsisihan ba nito na kahit batambata pa ang aktres ay humingi agad ito ng ‘date’? 17 noon si Daniel at (sweet) 16 naman si Kathryn.

Sagot ni DJ (palayaw ni Daniel), “Hindi, ah, kasi siyempre… I mean, wala namang hinahanap na oras ang pagmamahal eh, ‘di ba? Kapag para sa ‘yo, para sa ‘yo. Kahit  maaga man o late. Eh nagkataon na tayo maaga so walang problema. At least maagang naibigay sa akin.” dahilan ni DJ.

Katuwiran pa ng aktor, pabor sa kanya ang maagang pagdi-date sa unang sandali pa lang ng relasyon. At least daw, ‘pag nawala na ang gf, nagawa na rin daw niyang maging masaya sa kanilang relasyon?

“Minsan, oo, na-date mo nga pero pagdating ng panahon tulala ka na. Mag-isa ka na. Puro ka na lang date. ‘Di ba? Wala naman akong na-miss, eh, dahil bago pa rin maging tayo, ako, nagawa ko na rin naman lahat. Lakwatserong bata naman ako. Eh nung kahit tayong dalawa naman, nagawa ko pa rin ‘yung mga gusto ko.” rason ng binata.

Pero para kay Daniel, pinapahalagahan daw nito ang pagrespeto sa karelasyon.

“Dapat may respeto,” kanyang sagot.

Buwelta naman ni Kathryn, “That’s true. For me ‘yun din ‘yung dapat, as in number one rule ninyo sa isang relationship. Kahit actually hindi kayo boyfriend-girlfriend, kahit magkaibigan kayo [or magkapamilya], respect. Doon talaga nagsisimula.”

Naitanong din sa nasabing interbyuhan kung ano ang pinagseselosan ni DJ kay Kath?

“Siguro, example, nasa isang party tayo. Kapag hindi mo lang ako binabalik-balikan. Siyempre gusto ko ‘yung attention mo eh, tapos hindi mo naibibigay. Attention seeker ako, eh ‘di jealousy ‘yun, ‘di ba?” paniniyak ni DJ.

Si Kathryn daw ang kabuuan ng isang babae para sa kanya at wala raw siyang papalitang ugali ng dalaga.

“Wala. Hindi pwede ‘yan. Wala akong papalitan sa ‘yo. Kung may papalit ako sa ugali mo, bakit hindi na lang ako maghanap ng iba na hindi ganun, ‘di ba? Eh kaya nga minahal kita, ganyan ka eh,”

Kaya naman daw siya proud na proud sa pagkakaroon ng isang gf like Kathryn na kayang manindigan sa tama..Sa kanyang mensahe sa dalaga, “Siyempre sa industriya, sa lahat ng mga nagawa mo ‘di ba. [Gaya] siguro nung nagkakagulo sa ABS-CBN. Kasama kitang nakiki-rally. Matibay ka sa mga ganung panahon. ‘Yun ang gusto ko sa ‘yo. May paninindigan ka. Pinaninindigan mo ‘yung tama.”

Isa sa mga inaabangang topic ay ang tungkol sa planong pagpapakasal at ang pagbuo ng isang pamilya.

Singit na tanong ng aktres, “Does it offend you whenever people ask us about getting married and I reply with, ‘matagal pa, ‘di pa kami ready?'”..

Sagot ng aktor, “Hindi naman. Ayaw ko rin namang madaliin… Okay lang ‘yun. Pero ang sa akin lang, ‘wag din tayo male-late,’yun lang ‘yung sa ‘kin. Alam mo na ‘yung sinabi ko sa ‘yo. Minsan ang dami mong gustong gawin, ‘di mo napapansin, napag-iwanan ka na.”

Hanggang sa naitanong kay DJ kung ilang anak ang plano nilang maging pamilya ni Kath? Gusto ni DJ ay dalawa lamang dapat ang maging anak nila ng dalaga.

Sumang-ayon din si Kath na dalawang anak din ang gusto nilang gawin ni Daniel?

 “Gusto ko boy and then girl.”  sey ng aktres.

Dahil 8 years and going strong pa rin ang kanilang relasyon, may payo ang aktor sa tulad nila para tumagal lalo ang kanilang relasyon.

“Siyempre una, mahal natin isa’t isa. Pangalawa, sa lahat ng plano natin in the future, kasama ka, kasama ako. Walang katapusang pagsusuyo pa rin. Alam mo naman ako, ‘di ba, love? Iba lang siyempre hindi na parang nanliligaw, pero hanggang ngayon nage-effort pa rin ako sa ‘yo. Minsan sinu-surprise pa rin kita,

“‘Yun lang. Siguro continuous lang ‘yung pagpapakita mo sa tao na mahal mo siya. Kasi ‘yun naman ‘yun, eh. Hindi lang sa ‘kin ‘yun, kundi sa ‘yo rin. Kasi kung ako lang, mapapagod din ako. Kung puro ako na lang ‘yung nagbibigay sa ‘yo. Hindi naman sa humihingi ako ng kapalit pero siyempre kasama ‘yun. Siyempre para mahalin kita lalo, maramdaman ko rin na mahal mo rin ako… Tsaka i-praise ninyo ‘yung isa’t isa all the time. Appreciate ninyo ‘yung isa’t isa. Ipagyabang niyo ‘yung isa’t isa. ‘Yun lang,” nakakakilig na pagtatapat ng aktor.

                                                            -*****

            Derek at Ellen, mabuting magkapitbahay lang daw ang relasyon

PAGKATAPOS deadmahin ang espekulasyon ng ilang netizens na may ugnayan sina Derek Ramsay at Ellen Adarna at sinasabi ng huli na sila’y magkakaibigan lamang, walang pakundangang ipinost ni Derek sa kanyang social media accounts ang naganap na Valentine’s Day dinner sa kanyang bahay sa Alabang nitong Linggo kung saa’y kasama si Ellen sa mga guests along with Derek’s family and friends.

Bago ang dinner date sa Alabang, nag-post si Derek  sa kanyang Instagram Stories patungkol sa pagha-hire nito ng isang Australian chef  para sa paghahanda sa special family dinner sa bahay ng aktor sa Alabang.

Isa sa mga (video) clips ay nagpapatunay na isa sa mga panauhin ni Derek nang gabing yun ay walang iba kundi si Ellen Adarna kasama ang anak na si Elias. Nasa dinner party din ang binatilyong anak ni Derek na si Austin na kasa-kasama niya sa kanyang Alabang house.

Parehong single parent sina Derek at Ellen at naninindigang walang masama sa kanilang friendship  dahil nga naman sila’y nakatira sa isang subdivision at ang turingan ng isa’t isa’y mga mabubuting magkakapitbahay.

Si Ellen ay hiwalay na sa ex na si John Lloyd Cruz,samantalang nitong nakaraang taon lamang nag-break sina Derek at Andrea Torres.

(TSIKA NI LOLA by ADOR SALUTA / BISTADODAIYNEWS.NET)