Breaking News, Showbiz

Karl Aquino ng Clique V, mas type ang kontrabida role at action movie

SECOND movie na ng Clique V member na si Karl Aquino ang pelikulang ‘Silab.’ Ito ay mula sa pamamahala ng premyadong director na si Joel Lamangan at tinatampukan nina Cloe Barreto, Marco Gomez, at Jason Abalos.

Unang napanood si Karl sa advocacy film na ’Codep/ na pinamahalaan ni Direk Neal ‘Buboy’ Tan.

Inusisa namin siya kung paano ide-describe ang kanilang pelikulang ‘Silab.’

Tugon ni Karl, “Sobrang dark ng movie, iyon lang ang masasabi ko. Mas maganda kasi na mapanood ito ng moviegoers, kasi maganda iyong movie at hindi pangkaraniwan.”

Ano ang reaction niya na sina Sean de Guzman, Cloe, at Marco na mga kapatid niya sa 3:16 Events & Talent Management owned by Ms. Len Carrillo, ay nagbibida na sa pelikula?

“Siyempre ay nakakatuwa na bumibida na sila sa mga pelikula at makatrabaho ko sila,” matipid na tugon pa ng actor.

Kamusta bilang direktor ang isang Joel Lamangan? Natakot ba siya kay Direk Joel sa shooting ng kanilang pelikula?

Nakangiting esplika ni Karl, “Direk Joel Lamangan is direk Joel Lamangan, kaya expected mo na talaga na makakarinig ka ng mga… alam mo na, hehehe. Pero kapag off cam ay sobrang bait ni direk Joel.”

Dagdag pa niya, “At yes nakakatakot talaga si Direk kapag nasa set na kami, hehehe.”

Ang ‘Silab’ ay mula sa panulat ni Raquel Villavicencio at under ng 3:16 Media Network. Tampok din dito sina Lotlot de Leon, Chanda Romero, Jim Pebanco, Quinn Carrillo, at iba pa.

Si Karl ay naging bahagi ng ‘Starsruck Season 7’ at pagkatapos ay nagkaroon ng show sa GMA-7.

Ipinahayag niya ang dream role na wish magampanan someday. Lahad ni Karl, “Gusto ko sana yung role na pangkontrabida at mga action movie.”

Aniya pa, “Kung mabibigyan ako ng pagkakataon, yes po, gusto ko sana na tuloy-tuloy na ang pagsabak ko sa movies. Why not po, hehehe.”

 (SILIP by NONIE NICASIO / BISTADODAILYNEWS/NET)