Breaking News, Showbiz

Karl Aquino ‘di pa reyding magpa-sexy

KASAMA ang Clique V member na si Karl Aquino sa pelikulang ‘Silab,’ na launching movie ni Cloe Barreto mula sa 3:16 Media Networks at sa direksyon ni Joel Lamangan. Mula ito sa panulat ni Raquel Villavicencio.

“Ang role ko po sa ‘Silab’ ay si Jojo na kakabatang kapatid ni Jason Abalos,” sabi ni Karl tungkol sa kanyang role nang maka-chat namin.

Si Jason ay isa sa leading men ni Cloe sa ‘Silab.’ Ang isa pa ay si Marco Gomez na kagrupo ni Karl sa Clique V.

Ang ‘Silab’ ay isang sexy film. Pero walang sexy scene sa nasabing pelikula si Karl.

“Wala po akong sexy scene sa movie,”

First time ni Karl na makatrabaho si Direk Joel. Kamusta ang experience working with Direk Joel?

“Magaling po magdIrek si Direk Joel. Aside from that, nakakatakot talaga siya kapag nasa set na. Actually na-experience kong masigawan niya, haha! Di ko makakalimutan yun! Pero kapag off-cam na, sobrang bait ni direk”

Kaya niya rin bang magpa-sexy gaya nang ginawa ng kaibigan niyang si Marco?

“Siguro po in time, magagawa ko rin po yung mga sexy scene. Pero sa ngayon, wholesome po muna tayo.”

Bukod sa nasa pangangalaga ng 3:16 Events and Talent Management ni Ma’am Len Carrillo, si Karl ay under GMA 7 na rin after niyang mapabilang sa Top 15 ng Star Struck Season  7.

Sa tanong namin sa guwapong binata kung sino ang mga gusto niyang makatrabaho sa Kapuso network, ang sagot niya, “Madami po ako gusto maka-work sa GMA 7.”

(HATAWAN by ROMMEL PLACENTE / BISTADODAILYNEWS.NET)