Close Menu
    Facebook X (Twitter) Instagram
    Trending
    • Kano na-fakenews
    • WPS nasakop na
    • Utang na,utang na
    • Kevin Quiambao lilipad pa Korea pagtapos ng UAAP Finals
    • Mike Tyson inalok ng $700M sa rematch kay Jake Paul
    • Mojdeh magpapasiklab sa juniors
    • Allen Liwag hinirang na Most Valuable Player
    • Demand sa lechon at ham tumaas
    Facebook X (Twitter) Instagram
    BISTADO DAILY NEWS
    • HOME
    BISTADO DAILY NEWS
    Home»OPINION»Kano na-fakenews
    OPINION

    Kano na-fakenews

    dambrocio1958By dambrocio1958December 8, 2024No Comments2 Mins Read
    Facebook Twitter Pinterest LinkedIn Tumblr Email
    Test 2
    Share
    Facebook Twitter LinkedIn Pinterest Email

    PANALO na si US President-elect Donald Trump.
    Malinaw ang mga ulat, natalo rin ang “fake news” mula sa US media.
    TUMPAK ang paniniwala ng kolum na ito na ang mga lumalabas na ulat sa mainstream media ng US ay mga palsipikadong balita.
    Pinalilitaw nila na natatalo at deadlock ang dalawang magkatunggali sa presidential race.
    Nang lumabas ang totoong resulta: Landslide si Trump!
    KUNG nasusundan ninyo, binanggit madalas na ang “indicators” ng matatalong kandidato—ay ang “mismong away o sigalot” sa loob ng kampo.
    Malinaw na maaga pa lamang ay sinisisi na agad ng mga maka-Harris si US President Joe Biden na kanilang kagrupo.
    Malinaw na nararamdaman na nila ang “stress at pressure” ng pagkatalo.
    NAG-SECOND win si Trump at nagbanderang kapos si Harris.
    Kung idinaan sa primary si Harris at maagang umatras si Biden—tiyak na iba ang resulta.
    ISA pa, paano tatalunin ng apelyidong “Harris” ang apelyidong “Trump”sa US politics.
    Icon na ang “Trump” at walang patol pa ang ‘Harris”.
    GANYAN din sa Pilipinas, paaano tatalunin ng apelyidong “Robredo” ang apelyidong “Marcos”?
    Mahalaga ang konotasyon ng bawat “pangalan” lalo pa’t mahalaga ang papel ng media at komunikasyon.
    ANG tanong: May apekto ba sa Pilipinas ang Trump presidency?
    Ang sagot: Hindi Malaki ang epekto, bagkus ay UBOD-NANG-LAKI.
    MAINIT ang Marcos- Duterte feud sa ngayon.
    Alam nating BFF ni Digong si Trump, sa tingin ba natin—ay walang epekto?
    Magsalita kayo!
    LUMALALA ang expose sa mga pagdinig sa Kongreso.
    Pero, sa gitna nito, biglang mauupo si Trump.
    Kwidaw!!!
    HINDI lang ang Pilipinas ang apektado sa resulta ng US election, bagkus maging ang China, Russia, Iran, North Korea., Japan, Ukraine, buong Europe at buong Africa.
    Ang pagbabalik ni Trump ay maihahalintulad sa kinatatakutang “The Big One”.
    Mayayanig ang lahat.
    MAAARING maging negatibo o positibo ang resulta ng Trump presidency.
    Dahil sa kanyang edad at sa serye ng bigong asasinasyon, posibleng hindi siya makatapos ng termino.
    Nakakayanig at nakakahilakbot din yan, di ba?
    POSIBLE rin ditto na magmitsa ang ikatlong digmaan pandaigdig o mabingit sa panganib ng nuclear war ang buong daigdig.
    Gayunman, ang Trump presidency ay buwelo rin sa dekada 2030’s kung saan ibayong unlad ng teknolohiya ang mararanasan.
    SA panahon ng termino ni Trump, masasakop ang buong daigdig—indibidwal, pamilya, gobyerno at negosyo ng artificial intelligence syndrome.
    Marami ang hindi makakasabay, pero ang mga kabataang bihasa sa gadgets at apps, tulad ng mga Pinoy ang kokontrol sa daigdig kasabay ng Trump presidency.

    featured TRENDING
    Share. Facebook Twitter Pinterest LinkedIn Tumblr Email
    Previous ArticleWPS nasakop na
    dambrocio1958
    • Website

    Related Posts

    WPS nasakop na

    December 8, 2024

    Utang na,utang na

    December 8, 2024

    Kevin Quiambao lilipad pa Korea pagtapos ng UAAP Finals

    December 8, 2024
    Leave A Reply Cancel Reply

    • Facebook
    • Twitter
    • Instagram
    • Pinterest
    About
    About

    Your source for the lifestyle news. This demo is crafted specifically to exhibit the use of the theme as a lifestyle site. Visit our main page for more demos.

    We're social, connect with us:

    Facebook X (Twitter) Pinterest LinkedIn VKontakte
    From Flickr
    Ascend
    terns
    casual
    riders on the storm
    chairman
    mood
    monument
    liquid cancer
    blue
    basement
    ditch
    stars
    Copyright © 2017. Designed by ThemeSphere.
    • Home
    • Buy Now

    Type above and press Enter to search. Press Esc to cancel.