Breaking News, Showbiz

Kani-kanyang atake sa role ang mga bida sa ‘Anak Ng Macho Dancer’

MAY kani-kanyang atake raw sa pagganap sa kani-kanyang role ang mga bida ng pelikulang ‘Anak Ng Macho Dancer’ na sina Sean De Guzman, Charles Nathan, Miko Pasamonte, Ricky Gumera at Mhack Morales na hatid ng GodFather Film Productions na pag-aari ng mabait at napaka-generous na si Joed Serrano at sa mahusay na direksyon ni Joel Lamangan.

Lahat naman daw ay nagpakitang gilas pagdating sa aktingan pero meron sa kanilang nag-shine at bonggang-bongga ang naging performance.

Ayon nga kay Joed, “Si Sean, walang duda because he’s been in the business for quite sometime. Pero ang revelation, si Ricky. Hindi naman sa pagbubuhat ng bangko, siya ang revelation. Why? No acting experiences, pero ang mata niya, kahit si direk Joel, napansin din talaga nagalingan sa kanya.

“But ‘yung acting niya, swabeng-swabe, swak na swak sa character. I think he’s the next star to watch out for aside from Sean this year!”

Si Charles naman daw ay mapapansin dahil sa ganda ng kutis at mukha.

“Siya talaga ‘yung matinee idol. Siya yung pag napanood mo sasabihin mo sayang naman bakit naghubad at habang nakahilera silang lahat na nakahubad lutang na lutang siya dahil maputi, mapapansin mo kaagad.

“Si Miko naman ay hindi mawawalan ng trabaho dahil aktor na rin ito, gayundin si Mhack.“

Pero sa limang lalaki ng ‘Anak ng Macho Dancer’ ay tatlo raw ang aabangan ngayong 2021 at sila ay sina Sean, Ricky at Charles Nathan.

“But the stars to watch out for, that’s Sean, Ricky and Charles, ‘yan ang laban ng taong ito!” pahayag ni Joed.

‘Ang Anak Ng Macho Dancer’ ay mapapanood sa sa January 30 9pm to 11pm sa KTX.ph mula sa direksyon ni Joel Lamangan under GodFather Film Productions at pinagbibidahan nina Sean De Guzman, Charles Nathan, Miko Pasamonte, Ricky Gumera at Mhack Morales with Jacklyn Jose, Rosanna Roces, Emilio Garcia, Elora Espano, John David Schon, Jay Manalo at Allan Paule.

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS.NET)