Breaking News, Showbiz

Kaliwa’t kanang bashing dahil sa role ni Elijah

DAHIL sa mahusay nitong pagganap bilang Briana sa hit afternoon drama series ng Kapuso Network na ‘Prima Donnas’ ay kaliwa’t kanan ang pamba-bash sa mahusay na teenstar na si Elijah Alejo.

Ilan nga raw sa mga bash na natatangap nito ay kesyo sasampalin at sasabunutan siya kapag nakita siya sa personal at kung anu-ano pa.

Kuwento nga ni Elijah, “Grabe po sa dami ng pamba-bash na natatanggap ko, kesyo sasabunutan daw po nila ako pag nakita nila ako, sasampalin daw po, at ibubuking daw po sa mga Claveria.”

Dagdag pa nito, ”And as far as I emember tinawag po nila akong yellow teeth dahil po sa ipin ko. Nung una po nasasaktan po talaga ako, kaya di ko po tinitingnan yung comments pero nung tumagal po eh nasanay po ako.”

May mga insidenteng kinukurot ka ba or nasasabutan ka dahil sa inis sa iyo sa husay at makatotohanan mong pagganap?

“May nagagalit at naiinis po talaga sa akin pero wala naman pong nangyaring kurutan o sabunutan.’

Pero kahit nakakatanggap nga daw ito ng pamba-bash ay happy siya dahil nangangahulugan daw itong effective ang kanyang acting dahil sa dami ng naiinis sa kanya.

“Happy po ako kasi po nagbunga po yung effort ko para sa character ni Brianna mula po sa mga pang-aaway niya hanggang sa nagbago na po siya. Mas nacha-challenge po ako sa pagiging kontrabida lalo na papalit-palit ng emotions pero kahit anong role naman pong ibigay sa akin kakayanin ko.’

 At sa pagtatapos nga ng Prima Donnas ay isang bagong proyekto ang nakatakdang gawin ni Elijah na ayaw pa nitong idetalye hanga’t hindi pa siya nagti-taping, ikukuwento na lang daw nito kung anong proyekto ito kapag nakapag-taping na sila.

***

 Bidaman Johannes at Miko magkaaway?

Mariing pinabulaanan ni Bidaman Johannes Rissler ang tsikang magkaaway sila ng kapwa niya Bidaman at kasama sa Mannix Carancho Artist and Talent Management na si Bidaman Miko Gallardo.

Totoo raw na may mga times na hindi sila nagkakaintindihan o nagkakasamaan ng loob pero hindi rsw ito umaabot o humahantong sa pag-aaway dahil inaayos na nila kaagad sa tulong ng kanilang management.

Bukod sa wala raw sa bokabularyo ni Bidaman Johannes ang mang-away dahil mas gusto raw niya mag,-focus sa mga positibong bagay at iwasan ang mga negatibo sa kanyang paligid.

Ang mahalaga raw sa kanya ay maraming proyektong dumadating sa kanya lalo na’t isa na siyang Regal Baby. Thankful nga taw ito sa Regal Entertainment at kina Mother Lily at Roselle Monteverde at kinuha siya para maging part ng pamilya ng Regal.

Nagpapasalamat din ito sa kanyang management, ang Mannix Carancho Artist and Talent Management headed by the CEO & President nito na si Sir Mannix Carancho na CEO & President din ng Prestige International at ni Ms. Amanda Salas sa magandang pag aalaga sa kanya.

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS.NET)