Breaking News, Sports

Kabiyak ni Flash Elorde pumanaw na

SUMAKABILANG buhay na ang maybahay ni WBC at WBA junior lightweight champion Gabriel “Flash” Elorde na si Laura sa edad 92.

Ayon sa ulat, hindi na kinaya ni Laura ang sakit na pneumonia na nalagutan ng hininga sa mismong bahay nito sa Sucat Road, Paranaque.

Huling binigyan ng parangal si Laura noong 2018 sa 3rd WBC Women’s Convention and Asian Summit sa Philippine International Convention Center (PICC) na matatandaang dalawang beses na kinilala si Mrs. Elorde ng World Boxing Council (WBC).

Dumalo ito sa 49th Annual WBC Convention sa Mandalay Bay Resort and Casino sa Las Vegas kung saan personal niyang tinanggap ang parangal para sa kaniyang yumaong asawa.

Itinuturing kasi si Elorde na pinakamatagal na junior lightweight world champion at naging unang Asian na kinilala sa New York-based International Boxing Hall of Fame noong 1993.

Pumanaw si ‘Flash’ Elorde noong 1985 sa edad na 49-anyos dahil sa lung cancer. MDacoro