Breaking News, Showbiz

Juliana Parizcova Segovia natomboy kay Ate Gay

NAKILALA ng madlang pipol si Juliana Parizcova Segovia nang tanghalin siyang Miss Q & A sa ‘It’s Showtime.’

Mula rito, unang nabigyan ng break sa pelikula si Juliana via ‘Gandarrapiddo: The Revengers Squad’ ni Vice Ganda.

Since then ay nakarami na rin ng pelikula si Juliana. Ngayon ay mapapanood siya via ‘Ayuda Babes’ na pinagbibidahan ni Gardo Versoza at mula sa pamamahala ni Direk Joven Tan. Pinagsama-sama sa nasabing pelikula ang mga pambatong stand-up comedian ng bansa tulad nina Ate Gay, Negi, Iyah Mina, Petite, Joey Paras, Brenda Mage with Juliana at Bernie Batin. Tampok din dito sina Christi Fider, Zeus Collins, Bidaman Dan Delgado, at may special participation sina Marlo Mortel at Marc Logan.

Ikinuwento ni Juliana ang role niya sa pelikulang ito.

Lahad niya, “Magkakaibigan po kami rito nina Negi, Ate Gay, at Brenda na magkakasama sa isang parlor na na-lockdown.”

Ang ‘Ayuda Babes’ ang pinakabagong handog ng Saranggola Media Productions. Hatid ng pelikula ang mga kakaibang kuwentong-barangay at kung anu-anong eksena ng madlang people habang naka-lockdown sa bahay at naghihintay ng ayuda. Kaya tiyak na maraming makaka-relate sa movie.

Ano ang masasabi niya sa co-stars dito sa riot nilang pelikula, lalo na kina Ate Gay at Gardo?

Sagot ni Juliana, “Si kuya Gardo ay sobrang cool, nakasama ko na rin siya sa ‘Ang Probinsyano’ kaya magkakilala na po kami. Sobrang bait po niya at professional talaga.

“Si Ate Gay naman, sobrang fan ako ni Ate Gay talaga, kaya sa kanya ako lagi nakadikit noong shooting. First time ko kasi siyang makita kaya lagi kaming magkasama sa set. Iyong ibang cast po kasi ay halos lagi ko nang nakakasama.”

Dagdag pa ng komedyante, “Si Ate Gay, sobrang bait po niya at parang na-in love nga ako sa kanya sa sobrang bait niya, hahahaha!”

So, natomboy ba siya rito kay Ate Gay?

Tumawa muna si Juliana bago sumagot, “Hehehe, charot lang po! Pero masarap kasama talaga si Ate Gay, no dull moments. Tapos idagdag pa po rito yung ibang komedyante, kaya super-saya talaga.”

Ito ba ang itinuturing niyang biggest break?

“Biggest break ko po?” Tanong-sagot niya. “Hindi ko po alam, eh. Kasi for me naman po, lahat ng pelikulang ginawa ko kinokonsider ko na biggest break po.

“Pero eto is first lead movie ko, kasama po yung cast… and pangatlong movie ko na ito kay direk Joven,” pakli pa ni Juliana.

Ipalalabas ang ‘Ayuda Babes’ sa iWant TFC at sa Ktx.Ph simula March 5.

(SILIP by NONIE NICASIO / BISTADODAILYNEWS.NET)