Breaking News, Showbiz

Juancho Trivino, graduate na ng BS Entrepreneurship

ACHIEVEMENT unlocked para sa Kapuso actor na si Juancho Triviño ang pagtatapos niya ng kursong Bachelor of Science in Entrepreneurship mula sa De La Salle University.

Dahil sa pandemic, virtual ang naging graduation ceremony ng kanilang batch nitong Sabado. Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Juancho na hindi naging madali ang kanyang pinagdaanan para maka-graduate.

Aniya, nais niyang tuparin ang pangarap na ito para sa kanyang mga magulang, “I wanted to finish what my parents worked so hard for me to go through, to put me in a good school and to provide for us. I became a working student going to class with no sleep and drinking vendo coffee to keep me awake and balance my sheets (accounting reference). Nagkakaroon din ng mga pagkakataon na galing Pangasinan dederecho ako sa school galing Unang Hirit, at kung late na late na, nag-aangkas ako.”

Congratulations, Juancho!

            *****

Trailer ng ‘The Lost Recipe’ mahigit 1 million views na

Hindi pa man nagsisimula, napakaganda na ng feedback na natatanggap ng “The Lost Recipe” na nag-pilot airing nitong Lunes sa GMA News TV. Ang full trailer nga ng bagong  fantasy-romance series na pinagbibidahan nina Mikee Quintos at Kelvin Miranda ay may higit 1 million views na sa loob lang ng ilang araw!

Bukod sa karakter nina Mikee at Kelvin bilang Apple at Harvey, dapat ding abangan ang role nina Paul Salas, Thea Tolentino, kasama ang iba pang cast ng serye.

Samantala, marami rin ang na-LSS sa official soundtrack ng series na “Tumatakbo” mula sa bandang Mojofly. Ginawan din ito ng cover ni Paul. Patikim pa lang pala ito sa mga naggagandahang kanta na tampok sa The Lost Recipe.  Bukod sa “Tumatakbo,” inawit din ni Paul ang isa pang aabangang kanta na “Tama Ba o Tama Na.”

Si Topper Fabregas  na part ng programa at si Kapuso OST Princess Hannah Precillas ang boses sa likod ng kantang “No Matter What It Takes.” Ang finalist naman ng The Clash na si Jennifer Maravilla ang magbibigay tinig sa kantang “Abutin.”

Bukod sa mga ito, balita namin ay may iba pang mga kasunod na sorpresang awitin mula sa “The Lost Recipe.” Sino kaya ang kakanta nito? Habang nag-aabang, tutok na sa ‘The Lost Recipe,’ Mondays to Friday, 8 p.m., sa GMA News TV!

(STARWORLD by ROMMEL GONZALES / BISTADODAILYNEWS.NET