Breaking News, Showbiz

Jos Garcia makakasama sina Alden, Jed, Kuh, Christian, Gerald sa  Benefit Concert ng PMPC!

ISANG malaking karangalan daw para sa Pinay International singer na si Jos Garcia ang makasama sa benefit concert ng Philippine Movie Press Club (PMPC) entitled  ‘AWIT SA PANDEMYA! A PMPC Benefit Concert’  na gaganapin sa April 18, Sunday 8 PM (PHST & SGT) 5 AM (PDT) thru ticket2me.net.

Ayon nga kay Jos, “Thankful ako sa PMPC dahil naimbitahan nila akong makasama sa isang napakagandang proyektong ito,  kung saan malaking tulong ito sa mga miyembro ng PMPC na nangangailangan lalo na ngayong may pandemiya.

“Narito lang ako para sumuporta sa mga proyektong katulad nito lalo na’t malaking tulong din sa aming mga artist ang mga press people.

“Isang malaking karangalan din ang makasama sa konsiyertong ito ang mga kapwa kong local artist na handa ring tumulong sa mga  press people like Alden Richards, Christian Bautista, Jed Madella, Ima Castro, Luke Mejares, Gerald Santos, Jeric Gonzales and Ms Kuh Ledesma.”

Kakantahin ni Jos ang kanyang hit song na “Ikaw Ang Iibigiin“  na mula sa komposisyon ni Michael De Lara at ang kanyang latest single na “Nagpapanggap“ na mula naman sa komposisyon ni  Maestro Rey Valera.

Makakasama din sa ‘Awit sa Pandemiya, a PMPC Virtual Concert’ sina  JV Decena, Gari Escobar, Christi Fider, Joaquin Garcia, Sarah Javier, Charo Laude, Diane De Mesa, Renz Robosa , Lil Vinceyy at Zcentido.

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS.NET)