Breaking News, Showbiz

Joross Gamboa at Roxanne Guinoo balik-tambalan

KILIG at katatawanan ang handog ng pagbabalik-tambalan ng loveteam nina Joross Gamboa at Roxanne Guinoo-Yap sa kanilang iWantTFC original romantic-comedy series na “Hoy, Love You!” na mapapanood na nang libre simula Enero 18. 

Ayon kina Joross at Roxanne, mas mature na kilig ang mapapanood ng kanilang fans sa serye dahil pareho silang gaganap bilang single parents na mag-isang itinataguyod ang kani-kanilang anak.

“Ibang iba siya sa ginagawa namin way back from SCQ (‘Star Circle Quest’). Ang kilig at approach niya, naka-level din sa edad namin. Hindi lang kami magpapasaya pero mang-iinspire din sa mga pamilya, sa mga bata, sa mga single parent na mabuksan ang pananaw nila para magmahal ulit,” pahayag ni Roxanne sa online talk show na “The Best Talk.”

Dagdag naman ni Joross, “Ang maganda dito, ‘yung ganitong topic, kapag nilagyan mo ng humor it becomes light. So mas madaling matanggap ng audience at mas madaling ikuwento since it is not that heavy… Meron itong aral at eye-opener sa viewers ito.”

Gagampanan nina Joross at Roxanne sina Jules at Marge, dalawang single parents na ang tanging hangarin ay mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak.

Pagkatapos mabiyudo, pinagbubutihan ni Jules ang kanyang trabaho bilang contractor habang inaalagaan ang kanyang anak na architecture student (Brenna Garcia). Si Marge naman ay interior designer mula Manila na iniwan ng dati niyang kasintahan na si Richard (Dominic Ochoa) at mag-isang itinataguyod ang kanilang anak na si Charles (Aljon Mendoza).

Tampok din sa “Hoy, Love You!” ang love team nina Aljon at Karina Bautista, at kasama naman sa cast sina TJ Valderrama, Pepe Herrera, Yamyam Gucong, Keanna Reeves, at Ms. Carmi Martin. Mula ito sa direksyon ni Theodore Boborol. Inilabas naman ng Star Music ang official theme song ng serye na may parehong pamagat at inawit ng buong cast.

Libreng mapapanood ang “Hoy, Love You!” sa darating na Enero 18 sa iWantTFC app (iOs at Android) o sa iwanttfc.com. Mayroon itong anim na episodes na isa-isang ilalabas araw-araw tuwing 8 PM hanggang Enero 24. Mapapanood din ang mga ito sa mas malaking screen dahil available na rin ang iWantTFC sa mga piling smart TV brands, ROKU streaming devices at Telstra TV para sa users na nasa labas ng Pilipinas. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://iwanttfc.com/help#tfc-on-smart-tv.

Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC, o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWant TFC o mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.

                                                                *****

            Beauty at Elisse magsasama sa ‘Izla’

Kahit kasagsagan pa ng pandemya, nagbabalik sa pagpoprodyus ang dating film outfit, ang Octo Arts katuwang ang Mavx Productions  para sa pelikulang ‘Izla,’ na pinagbibidahan nina Beauty Gonzales at Elisse Joson, directed by Barry Gonzales (director ng 2019 MMFF entry The Mall,The Merrier).

Kinumpirma ito ng kanilang co-star na si Sunshine Garcia na nagbahagi ng behind-the-scenes photos sa kanyang Instagram account nitong nakaraang Lunes, January 11 para sa kanilang pelikulang ‘Izla.‘

” Coming very soon,” caption ni Sunshine.

Bukod kina Beauty at Elisse, kasama sa cast ng Izla sina Paolo Contis, Isabelle Daza, Archie Alemania, Aiko Climaco, at Analyn Barro.  Huling pelikula ni Beauty ay isang horror movie Hellcome Home in 2019. On television, at napabilang sa top-rating na afternoon drama series Kadenang Ginto, ng ABS-CBN.

Samantala, si Elisse naman ay huling napanood sa iflix series na Beauty and the Boss.at mukhang maganda ang pasok ng year 2021 kay Elisse dahil bukod sa Izla,may follow-up  movie ito kaagad  mula rin sa Mavx Productions kasama ang  singer-comedienne K Brosas.

(TSIKA NI LOLA by ADOR SALUTA / BISTADODAILYNEWS.NET)