Breaking News, Showbiz

John Lloyd at Bea tuloy ang balik-tambalan; Juday ibabahagi ang kuwento ng 4 artists

AYON sa panayam kay Direk Olive Lamasan, ABS-CBN Films managing director, kanyang inihayag na  posibleng matuloy ang balik-tambalang John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa taong ito. Maging ang scriptwriter na si Carmi Raymundo, creative development ng ABS-CBN Films, ay naghahanda na rin sa iskrip ng nasabing reunion movie ng dalawa.

Sa ginanap na virtual conference nitong Miyerkoles, January 27, kinumpirma niyang tuloy na tuloy na ang John Lloyd-Bea reunion film.

Tuloy pa rin tayo diyan. Right now, tuloy pa rin ‘yung creative development under Carmi Raymundo, this time, it’s a collaboration with John Lloyd himself and Bea. So that is what’s happening. Tuloy ‘yung project na iyan. That’s one of the big projects we have,” sabi ni Direk Lamasan.

Masaya rin ang resident director ng Star Cinema na  naka-focus sina John Lloyd at Bea sa nasabing proyekto dahil sa first quarter o Marso ng kasalukuyang taon magsisimula ang kanilang pre-production.

“The many experiences plus talagang ‘yung innate intelligence naman ni Lloydie ‘di ba, parang umusbong ‘yung kanyang creativity. With everything that he has been doing and he has truly matured as person and as a creative person,” sey ng magaling na direktor.

“So it’s exciting that he, together with Bea who has gone through the same journey, collaborate in the project they are going to do, It’s something that excited us, it’s something that excites the writer Carmi Raymundo, likewise the director Cathy Garcia-Molina.”

“So hinihintay ko na lang mabasa dahil ako ay excited na excited sa project na iyan. Tandaan ninyo, ang John Lloyd-Bea ay nagsimula sa akin sa ‘Kay Tagal Kang Hinintay,'” na kanyang tukoy ay ang unang tambalang John Lloyd-Bea launching movie noong 2002.

Pagkatapos ng  “Kay Tagal Kang Hinintay,” nasundan pa ang pagsasama nina John Lloyd at Bea Alonzo sa ilang teleserye at pelikula gaya ng “It Might Be You,” “Ikaw Ang Lahat Sa Akin,” “Maging Sino Ka Man,” at “I Love Bea La Fea,” kabilang ang blockbuster movies na,”One More Chance,” “A Second Chance,” at “The Mistress.

                        *****

            Juday ibabahagi ang kuwento ng 4 artists ng Definitely Filipino

MAGBIBIGAY-INSPIRASYON si Judy Ann Santos-Agoncillo ngayong Sabado (Enero 30) sa pagbabahagi niya ng kuwento ng apat na artists na nabago ang kapalaran dahil sa isang sikat na Pinoy Facebook page sa ABS-CBN show na “Paano Kita Mapasasalamatan.”

Ang Definitely Filipino, isang Facebook page na may 4.6 milyong followers, ang dahilan kung bakit natupad ang mga pangarap at nabigyan ng tulong ang mga pamilya nina Ben Totanes, Joyce Pief, Charina Echaluce, at Gini Aala.

Itatampok sa episode si Ben, ang founder ng Definitely Filipino, na nilikha ang naturang online page matapos maging homesick sa ibang bansa at sa kagustuhang magbahagi ng iba’t ibang kUwentong Pinoy.

Mapapanood din sa show ang kuwento ng pintor na si Gini, na naipagamot ang nanay niya dahil sa isang viral na Definitely Filipino article.

Nabigyan naman ni Ben ng hanapbuhay si Joyce, na noon ay nawalan ng pagkakakitaan dahil sa pagsasara ng dati niyang negosyo. Dahil naman kay Joyce, nakamit ni Charina ang kanyang pangarap na maging writer at nakapag-release na ng best-selling novel na “Minsan Okay Lang Ma-traffic.”

Subaybayan ang mga totoong istorya na puno ng pag-asa at inspirasyon mula kay Juday sa “Paano Kita Mapasasalamatan” tuwing Sabado ng 7 PM sa A2Z channel sa free TV at sa digital TV boxes gaya ng ABS-CBN TVplus. I-scan lang ang digital TV boxes para hanapin ang A2Z channel na mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.

Mapapanood pa rin ito sa cable at satellite TV sa Kapamilya Channel (SKYchannel 8 sa SD  at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, GSAT Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa). Maaari ring tumutok sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel at IPTV.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

(TSIKA NI LOLA by ADOR SALUTA / BISTADODAILYNEWS.NET)