Breaking News, Showbiz

Joel Cruz inspirasyon sa negosyo; Bagong DJ pang-matinee idol

ANG  tinaguriang Lord of Scents na si Joel Cruz daw ang iniidolo ng CEO & President ng Prestige International na si Mannix Carancho  pagdating sa pagnenegosyo.

Kuwento nga ni Mannix na isang inspirasyon daw si Joel Cruz sa mga taong gustong magnegosyo at gustong magtagumpay katulad ng Lord of Scents.

“Napapanood ko kasi yung mga interviews niya (Joel Cruz), sabi niya ambisyosa siya sa pagiging ambisyosa niya, ang layo nang narating niya. So sabi ko kailangan ko din mag-set ng goal, kasi dati kuntento na ako kasi lumaki ako na nandyan na yun, hindi ako lumaki sa hirap o nag-strugle sa buhay. Kasi nakakakain naman ako everyday, pag ganun kasi ang buhay mo parang kuntento ka na.

“Nung napanood ko talaga si Joel Cruz eh sabi oo nga no meron pa akong ilalaki, hindi lang naman kasi yuhg pera pag lumaki kasi ako marami akong empleyadong matutulungan lalaki yung capacity ko para tumulong sa mga tao kung sakaling lumaki ang business ko.

“Kasi kung pera naman madali kasi akong makuntento so okey na ako pero kung nababasa ko mga name-message na taong natulungan ko na dahil sa prestige nakabili ako ng sasakyan nakakatuwa ang sarap sa pakiramdam na kumita na ako nakatulong pa. Parang yung nanggigigil akong pakakihin yung negosyo para mas maraming matulungan.”

Nagbigay din ito ng mensahe sa mga taong natulungan niya, “ Sana tumulong din kayo wag sa akin, ibalik niyo sa iba para kung sakaling may kapasidad na silang tumulong tutulong din sila sa iba. At sa mga taong gusto namang mag negosyo, piliiin niyo kung ano yung gusto niyo o forte niyo wag kayo yung dahil uso yung ganitong negosyo jo join na kayo kasi pag hindi niyo gusto yung negosyong papasukin niyo hindi ibibigay yung puso nyo sa ginagawa niyo. So aralin niyo lahat wag kayo papasok sa negosyo dahil gusto niyo lang, dahil may pera ka gusto mo na, aralin mo kasi konting chance lang ang nagsa suceed ngayon dahil sa Pandemic,aralin niyo kung pewede ko lang kayong tulungan o gusto niyo humingi ng advice ta try ko.”

Aminado daw si Mannix na hindi ganoon kadali magnegosyo, pero sa pagsisikap, tiyaga at dedikasyon puwede ka magtagumpay sa kung ano mang gusto mong pasuking negosyo.

            *****

Bagong DJ ng Barangay LSFM pang-matinee idol

Artistahin at pang-heartthrob ang dating ng bagong  DJ ng Barangay LSFM 97.1 Forever na si Papa King  o Adam Franco sa totoong buhay.

Ipinanganak si Papa King noong April 16, 1995 sa Davao City, may taas na 5’9, mahilig  sumayaw, kumanta, mag-beat boxing, voice acting,  mag-host atbp.

Mahilig din itong mag-play ng iba’t ibang instruments like guitar at ukelele sa kanyang mga free days, favorite sports naman nito ang basketball  at chess.

Pero bago  ito naging DJ ng Barangay LSFM, si Papa King ay naging game show at travel show host ito sa Davao, from then on ay kinuha ito ng MORok Davao  at naging housemate sa PBB at naging MOR Dj sa Manila.

Masaya nga raw ito bilang dj dahil nagagawa niyang magpasaya ng mga listeners ng Barangay LSFM. “Mas piliin mong maging masaya, at magpasaya.”

Mapapakinggan si Papa King sa Talk To Papa kasama si Papa Marky tuwing Marters at  Huwebes ng  9am-12nn  at tuwing Sabado at Linggo kasama si Papa Ace  at sa  Forever Request tuwing  3pm-6pm Linggo.

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS.NET)