Breaking News, Showbiz

Joed pinag-aagawan ng dalawang baguhang aktor

NAPIKON na si Ricky Gumera sa pa-babe-babe ni Miko Pasamonte kay Joed Serrano. ‘Di maikakaila na kung walang pulis sa buhay ni Joed ay si Ricky daw ang tiyak na dyowa ni Joed. 

Pero  itong si Miko ay walang tigil sa pagsuyo kay Joed. Pilit na sinasabing sila na.

Nakalipat na si Miko sa bagong bahay nito na ibinigay ni Joed. Tinupad lang ng mega producer ang commitment niya sa tinaguriang the newest sex symbol ng panahon ngayon.

Samantala ‘di nagpapatinag ang bagong Totoy Mola na si Ricky Gumera na tahasang nagpahayag na mapupunta sa kanya si Joed Serrano. Sadya ngang mahaba ang buhok ni Rapunzel este ni Joed sa nangyayari ngayon.

Abangan ang grand presscon/bday celebration ni Mr. P (tawag kay Joed) ngayong Enero. Ating alamin kung ano ang mangyayari kina Miko at Ricky sa araw na  magkikita sila.

After ‘Anak Ng Macho Dancer’ eto ‘yung line up next ng Godfather Productions:

Kontrabida (Nora Aunor & Charles Nathan), Ang Bagong Totoy Mola (Ricky Gumera), The Loves, The Miracles & Life of JOED, Lockdwn, Kapit Sa Patalim (Paolo Gumabao, Sean de Guzman), Burlesk Ang Huling Sayaw, Banat, Macho Gay, Monay & Everything, M.I.L.F. Matinee Idol, Cybersex The Miko Pasamonte Story, My Bestfriends Husband starring Romnick, Sheryl and Joed, Matrona, Mga Batang Tondo, Artista Ako Eh, Super Pogi & Friends, Libog, Sir at Binili Kong Pagibig.

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS.NET)