Breaking News, Showbiz

Joaquin to Cassy: ‘Feeling ko rin, bagay kami!’

SA ‘First Yaya’ ng GMA ay gumaganap si Joaquin “JD” Domagoso bilang si Jonas na love interest ni Niña Acosta na ginagampanan naman ni Cassy Legaspi.

Kumusta ang working relationship nina Joaquin at Cassy?

“Oh, it’s amazing,” ang bulalas ni Joaquin.

“It’s amazing. I love being  with Cassy and I know she loves being with me, too. And glad na glad ako na napili kami together.

“Kasi, like ako, feeling ko rin bagay kami.”

Masaya raw si Joaquin na kahit ang publiko, sa pagkakaalam niya, ay gusto ang tandem nila ni Cassy.

Pagsubok sa tambalan nila ni Cassy ang pagsasama nila sa unang pagkakataon bilang loveteam sa ‘First Yaya.’

Sa tingin ba ni Joaquin , pagkatapos ng ‘First Yaya’ ay maaari na silang “pakawalan” at magbida sa sarili nilang show o teleserye?

“Hopefully po.

“I really want to stick with Cassy pa,” pahayag pa ni Joaquin.

Bida sa ‘First Yaya’ si Sanya Lopez (bilang si Melody Reyes) at Gabby Concepcion (bilang Glenn Acosta); nasa nabanggit na teleserye rin sina Sandy Andolong (Edna Reyes), Pancho Magno (Conrad Enriquez), Gardo Versoza (Congressman Luis Prado), Glenda Garcia (Marni Tupaz), at Pilar Pilapil (Blesilda Acosta).

Kasama rin ang tandem nina Cassy Legaspi (Niña Acosta) at  Joaquin “JD” Domagoso (Jonas).

Also in the cast sina Boboy Garovillo (Florencio Reyes), Kakai Bautista (Pepita), Cai Cortez (Norma), Thia Tomalla (Val), Anjo Damiles (Jasper), Clarence Delgado (Nathan Acosta), Thou Reyes (Yessey Reyes) at sina Kiel Rodriguez, Analyn Barro, Jerick Dolormente, Princess Aguilar, Muriel Lomadilla, Nicki Morena, Allen Dizon, Frances Makil-Ignacio at Mikoy Morales.

Napapanood ang ‘First Yaya’ Lunes hanggang Biyernes, alas otso ng gabi,

sa direksyon nina LA Madridejos at Rechie del Carmen.

            *****

Ngayong Abril 26, maghanda na mabihag sa matinding kuwento ng tatlong kababaihan mula sa isang marangyang apartment na ipaglalaban ang kani-kanilang mga hangarin sa pinakabagong handog ng GMA Heart of Asia na ‘The Penthouse.’

Matapos makagawa ng ingay dahil sa record-breaking ratings nito sa Korea, mapapanood na ng Filipino viewers ang multi-awarded series simula ngayong Lunes sa GMA Telebabad. Ang The Penthouse ay pinagbibidahan ng mga kilalang artista na sina Lee Ji-Ah, Kim So-Yeon, Eugene, Um Hi-Joon, Yoon Jong-Hoon, at Park Eun-Seok.

Tungkol ang serye sa mga mayayamang pamilya na naninirahan sa Hera Palace at kanilang mga anak sa Cheong-ah Arts School. Lahat sila ay may mga ambisyon at hangarin para sa kanilang mga anak at gagawin ang anumang bagay para sa kanila.

Gayunpaman, magsisimulang gumuho ang kanilang buhay nang may isang misteryosong babae ang nahulog sa kanyang kamatayan sa gitna ng isang pagdiriwang sa Hera Palace. Habang pinipilit ng mga residente na pagtakpan ang katotohanan na namatay ang babae sa kanilang tirahan, hindi nila maiwasang paghinalaan ang isa’t isa sa nangyaring insidente.

Hanggang saan nila handang gawin ang lahat para manatili sa tuktok at protektahan ang kanilang mga interes?

Huwag palalampasin ang top-rating Korean series na ‘The Penthouse’ simula Abril 26, Lunes hanggang Huwebes, 10:20 ng gabi sa GMA Telebabad.

(STARWORLD by ROMMEL GONZALES / BiSTADODAILYNEWS.NET)