Breaking News, Showbiz

JoAnne Lorenzana nagbabalik sa music scene via ‘My Everyday Valentine’

NAGBABALIK sa recording at music scene ang US-based singer-songwriter-performing artist na si JoAnne Lorenzana sa pamamagitan ng digital release ng bago niyang kantang ‘My Everyday Valentine.’

Sinulat mismo ni Joanne ang lyrics ng ‘My Everyday Valentine’ at nakipag-collaborate siya sa kanyang mga kaibigang music experts. Ang awitin ay nilapatan ng melody ni Jimmy Borja at ang arrangement naman ay pinamahalaan ni Jimmy Antiporda.

Ang sweet, easy listening pop ballad ay nag-premiere online noong Valentine’s Day kasabay ng birthday mismo ni JoAnne. Pero tulad ng mensahe ng kanta kapag nagmamahal ka, araw-araw ay Valentine’s Day. Lagi nating iparamdam sa ating mga minamahal ang ating pag-ibig sa kanila.

Sa napanood naming interview ni JoAnne sa MarkyTalk 101 noong January 22, sinabi niyang ang pag-release niya ng ‘My Everyday Valentine’ ay itinuturing niyang new phase of creativity sa kanyang buhay.

Sabi pa ni JoAnne, “Because of the new song I collaborated with Jimmy Borja, I also reconnected with another friend and colleague Jimmy Antiporda. It’s a new phase of creativity, a new phase of transformation when it comes to your faith. We had so many experiences last year not only with the pandemic. We have losses of lives, a lot of relationships that were challenged. We can’t do all the things that we wanted to do. So, we are entering a new season. We lifted another page, so it gives us hope. I’m sure we’re going to find ways and we’re going to be lifted up with everything that’s going on. Of course, what’s going to ground us is our faith in the Lord. There is hope.”

Sumikat si JoAnne bilang recording artist, performer at songwriter noong mid-1980s to the 1990s. Siya ang umawit ng hit songs na ‘I’ll Never Let You Go,’ ‘Kung Alam Mo Lang,’ ‘Back In Your Arms,’ at marami pang iba.

2010 pa siya huling nag-release ng album, ang ‘Between Seasons.’ Sa pagitan ng taong iyon hanggang sa kasalukuyan, isang beses lang siyang nakapag-release ng kanta, ang ‘New Year’s Day,’ five years ago.

At sa pag-release niya ngayon ng ‘My Everyday Valentine,’ desidido si JoAnne na makagawa at makapag-release ng bagong mga kanta taun-taon.

Ang ‘My Everyday Valentine’ ay available for listening and downloading sa Spotify, iTunes, Apple Music, Amazon Music and  soon sa iba pang music streaming services.

Additional credits go to mixing and mastering engineer Robert Preston of GetReel Productions, USA, Craig Abaya (for his creative inputs) and NeoMONDE Productions.

May espesyal na pasasalamat din si JoAnne, “To our Dear God from whom all gifts, blessings and miracles flow.”

Para sa updates tungkol kay JoAnne pwede niyo siyang i-follow sa kanyang Facebook page at mag-subscribe din sa kanyang YouTube Channel.

(BONGGA by GLEN P. SIBONGA / BISTADODAILYNEWS. NET)