Breaking News, Showbiz

Jao Mapa, mas magiging aktibo ngayon sa showbiz

NAIKUWENTO sa amin ng dating Guwapings member na si Jao Mapa na pumirma siya ng kontrata sa Viva Artists Agency recently at si Tita Aster Amoyo ang magko-co-manage sa kanya.

“Blessings ito,” saad ni Jao. “I’m getting back to my old family, I was under them before ALV and I get a call from tita Aster last month, inquiring if I’d like to be managed by her under Viva and I said, ‘Yes’,” kuwento pa niya sa amin via FB.

Unang proyektong gagawin ni Jao bilang Viva artist ay ang TV series na ‘Puto’ na pagbibidahan nina Herbert Bautista at McCoy de Leon. Isa itong comedy na mapapanood sa TV5.

Sinabi ni Jao na posibleng manibago siya sa paggawa ng sitcom.

Wika ng aktor, “I guess, it’s been quite awhile since I did a comedy. Last was ‘Palibhasa Lalake’ and that was decades ago, hahaha! Medyo kinakabahan nga ako eh, plus this pandemic medyo kinakalawang pa siguro, ‘di ko alam.”

Naniniwala rin si Jao na mas magiging active siya ngayon sa showbiz.

Esplika niya, “Looks like it, I pray everyday and eto, ang daming offers na nagsusulputan.

“I don’t expect to be super active like before in the 90’s, but I guess it’s the new me, more mature, marami nang paghuhugutan sa mga pinagdaanan ko since, they keep asking why I left showbiz, which I never did… But to be given a chance again to prove myself is indeed a blessing.”

Sambit pa niya, “May oras talaga ang Panginoon sa iyo. Sabi Niya siguro, ‘Sige handa ka na, learn from your mistakes’. He’s bringing back everything at may bonus pa sa mga paintings ko.”

Ayon pa sa aktor na isa ring painter, a couple of weeks ago ay nagpunta siya sa White Cross Children’s Home orphanage upang mag-donate ng proceeds ng livestreams and paintings na kanyang ginawa.

“I’d like to establish a Jao Mapa Foundation, choose different benificiaries and donate with the livestreams and paintings that I’m doing,” lahad pa ni Jao.

Bukod sa sitcom na ‘Puto,’ mapapanood din very soon si Jao sa pelikulang ‘Balangiga 1901’ na tatampukan nina Ejay Falcon, Jason Abalos, Richard Quan, Ricardo Cepeda, Marina Benipayo, Rob Sy, Jeffrey Santos, Ramon Christopher, Emilio Garcia, at iba pa.

(SILIP by NONIE NICASIO / BISTADODAILYNEWS.NET)