Breaking News, Showbiz

Janno at Kitkat ‘pag ‘di nagbati, tuluyang matsutsugi sa show

BIBIGYAN pa ng isang pagkakataon sina Janno Gibbs at Kitkat Favia, para makabalik sa kanilang noontime show sa Nte25, ang ‘Happy Time.’ Isang kondisyon lamang ang hinihingi  ng Net 25, ang magkabati-bati na sina Janno at Kitkat. Matatandaang nagkaroon ng away ang dalawang hosts noong February 18, sa taping ng show na nauwi sa pikunan hanggang sa nagmurahan ang dalawang hosts ng HT, kaya’t sinibak sila ng management. 

Kani-kanyang isyu ng statement ang dalawa, kung sino ang nag-umpisa at kung bakit nagkamurahan sa set, subalit naniniwala ang karamihan sa mga viewers na wrong timing ang nangyaring biruan noong oras na yun.

Anyway, binigyan pa rin sila ng chance na makapagtrabaho basta’t nagkapatawaran na ang isa’t isa.

Ayon sa ilang source, pumayag na raw si Janno na makipagbati kay Kitkat at kalimutan ang hidwaan nila, pero tila deadma pa ang kampo ni Kitkat, kaya ipinapalagay na andoon pa in ang ‘sugat’, at di pa nakaka-move-on sa tarayan nila ni Janno.

Sa kasalukuyan, patuloy pa ring umeere ang ‘Happy Time’ with hosts,Boobsie, CJ Hirro, at Mico Aytona na nagsisilbing mga co-host muna ni Anjo Yllana sa ‘Happy Time,’ habang hindi pa nareresolba ang problema sa pagitan nina Janno at Kitkat.

                                                          *****

            Masaya ang ‘Versus’ sa ‘It’s Showtime’

MASAYA ang bagong segment na inaabangan ng madlang pipol sa ‘It’s Showtime’ dahil pagalingan ng pagpapasasaya sa madlang people ang kailangang ipamalas ng contestants sa “Versus,” ang pinakabagong segment ng Kapamilya noontime show na kung saan pwede silang magpakitang gilas at manalo ng papremyo may totoong talento man o wala.

Sa pagsisimula nitong linggo, tatlong challengers na may angking talento ang isa-isang pipili mula sa limang mystery acts o “abangers” para hamunin sila sa isang talent showdown sa araw na iyon.

Kailangang magaling pumili ang challenger na kanilang hahamunin dahil maaaring “havey” o totoong may talento ang “abanger” o kaya sila ay “waley” at niloko lang ang madlang people sa kanyang talento.

Nasa kamay naman ng mga hurado ang mananalo sa kumpetisyon dahil pagbobotohan nila ang contestant na mas nagpabilib sa kanila. Sa ngayon, nakaupo bilang mga hurado sina Roxanne Guinoo-Yap at Jerrald Napoles, habang nagpapalitan naman sina Vhong Navarro at Kim Chiu bilang ikatlong judge.

Ang mananalo sa araw na iyon ay mag-uuwi ng P10,000 at uusad sa susunod na round para sa weekly finals kung saan pwede silang manalo ng P20,000, habang magpapaalam na sa kumpetisyon ang kanyang kalaban at mag-uuwi naman ng P5,000.

Makakasali rin sa kumpetisyon ang viewers dahil pwede silang manalo ng P5,000 kapag nag-tweet o nag-comment sila sa Facebook gamit ang official hashtag of the day kasama ang pangalan ng contestant na sa tingin nila ay mananalo para sa araw na iyon.

Sa mga gusto namang makipagtagisan sa “Versus,” magpadala lang ng audition video na may pangalan, address, at contact details sa VersusShowtimePH@gmail.com. Maaaring sumali ang kahit sino na 16 hanggang 55 taong gulang.

Panoorin ang “Versus” sa “It’s Showtime” kada Lunes, Miyerkules, Biyernes, at Sabado sa A2Z channel sa digital at analog TV. I-scan lang ang digital TV boxes para hanapin ang A2Z channel na mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.

Patuloy din napapanood ang “It’s Showtime” mula Lunes hanggang Sabado sa Kapamilya Channel sa cable at satellite TV sa Kapamilya Channel (SKYchannel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa), sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

                        *****

DAHIL sa pagsasanib-puwersa ng  ABS-CBN Entertainment, Cignal, at TV5 mapapanood na ang 4 na pangunahing prgrama ng Kapamilya sa Kapatid netwok, gaya ng “FPJ’s Ang Probinsyano”,” Ang Sa Iyo ay Akin”,,”Walang Hanggan”, at “Pinoy Big Brother (PBB) Connect”.

Ang apat na nasabing programa ay mapapanood na simula sa Lunes (Mar 8),at patuloy na masusubaybayan tuwing Lunes hanggang Biyernes,mula 8pm hanggang 10:30pm.

Kaugnay ng good news, posible na ring matuldukan ang espekulasyong hanggang sa susunod na buwan, Abril ang pagtatapos ng karakter ni Carlo Dalisay sa ere. Sa katunayan at ayon sa ilang source, kasalukuyan pa ring nagtiteyping ng bagong episodes ang top-rating program ng Kapamilya na namayagpag sa primetime slot simula pa noong i-launch ang seryeng pinagbibidahan ni Coco,taong 2015.

Bagama’t malapit nang magwakas sa loob ng dalawang linggo ang paboritong  serye ng mga suking  TFC subscribers, ang  “Ang Sa Iyo ay Akin” inaasahang ito’y hindi iiwanan ng mga madlang pipol, ganu’n din sa seryeng “Walang Hanggang Paalam”.

In fairness,maraming natuwa na ipapalabas na din sa TV5 ang kapana-panabik na huling linggo ng “Pinoy Big Brother (PBB) Connect” mula Lunes (Mar 8) hanggang sa Big Night sa Linggo (Mar 14), matapos ang maraming linggong paghahatid ng ‘teleserye ng totoong buhay’ at mga aral sa pamamagitan ng mga hamon ni Kuya para sa housemates.

Sa pakikipagtulungan sa Cignal at TV5, maihahatid ng ABS-CBN Entertainment ang mga programa nito sa buong bansa sa pamamagitan ng TV5.

“We welcome the inclusion of ABS-CBN entertainment shows in our roster of programs. We believe that this content deal will benefit Filipino viewers across the country because of TV5’s extensive coverage,” mensahe ni Robert P. Galang, ang presidente at CEO ng Cignal at TV5.

(TSIKA NI LOLA by ADOR SALUTA / BISTADODAILYNEWS.NET)