Breaking News, Showbiz

Janine kinabahan sa eksena nila ng nanay niyang si Lotlot

KAPAG may naiinterbyu kaming artista, isa sa madalas naming itanong ay kung ano ang gusto niyang gawin kapag natapos na ang pandemya at bumalik na sa normal ang lahat.

Si Janine Gutierrez, ang manood ng sine ang una niyang gustong gawin kapag natapos na ang pandemya ng COVID-19!

“I was really looking forward to watching inside a theater kasi siyempre iba pa rin yung experience, di ba?” aniya.

Kaya nalungkot man si Janine na hindi natuloy ang pagpapalabas sa sinehan ng pelikula nina Janine at JC Santos, ang ‘Dito At Doon’ (ng TBA Studios/WASD Films), alam nilang mas kailangan ang ibayong pag-iingat kaya hindi pa rin muna binubuksan ang mga sinehan.

“But you know, kailangan nating mag-adjust kung ano ang pinakaligtas para sa ating lahat ngayon. Pero once na ano, iyon talaga ang gusto kong gawin, ang manoood ng sine,” pahayag pa ni Janine.

Speaking of ‘Dito At Doon,’ kuwento pa ni Janine ay umiyak raw ang bunsong kapatid niyang si Maxine Gutierrez sa dramatic scene nila ng ina nilang si Lotlot de Leon na may special role sa pelikula. Eksena iyon na umuwi na si Lotlot na isang frontliner/nurse mula sa ospital at sinalubong ito ni Janine.

Kuwento pa ni Janine, kinabahan siya sa mga eksena nila ng Mama niya.

“Kaya tinulungan pa talaga ako ni direk JP sa eksena na yun, kasi ano… ewan ko, nai-starstruck po kasi siguro ako sa nanay ko,” natatawang sinabi pa ni Janine.

May isa pang eksena na naka-relate si Janine nang husto.

“Ito yung nagtanong siya sa akin kung ano ang pangalan ng bago kong kaibigan na nagpapasaya sa akin.

“Tapos yung mukha niya ganito, ganun talaga siya tumingin sa totoong buhay,” bulalas ni Janine.

“Marami talagang naka-relate, so iba talaga yung mga nanay, ‘no? May psychic powers sila! Alam nila kapag mayroon kang iniibig.

“Kung makatingin yung nanay iba talaga and yung nanay ko ganyan talaga kaya medyo kinilabutan ako noong pinanood ko,” pahayag pa ni Janine.

Available na for streaming ang Dito At Doon sa limang major online platforms: KTX.ph (https://www.ktx.ph/); Cinema ’76 @ Home(https://cinema76fs.eventive.org/welcome); iWant TFC ( https://tfc.tv/), Upstream ( https://upstream.ph/) at sa Ticket2Me (https://ticket2me.net/).

Sa direksyon ni JP Habac, bidang lalaki sa ‘Dito At Doon’ si JC Santos at nasa cast rin sina Victor Anastacio at Yesh Burce.

            *****

Pinusuan ng netizens ang husay ni Cassy Legaspi sa kanyang pagganap bilang Nina Acosta sa top-rating Kapuso primetime series na ‘First Yaya.’

Hindi kasi mapapansin na unang sabak ito ng Kapuso actress sa pag-arte. Post nga ng netizen na si Sheee Yaaa, “Is this Cassy’s first TV series? Ang galing niyang umarte, gaya ng ina at ama niya.” Agree naman dito ang isa pang netizen na si Ines Maglinte. Aniya, “Yes natural ang pag-arte ng anak ni Carmina. Ang galing umiyak, natural lang di pilit. Congrats Cassy.”

Komento naman ni @itsurtrish, “Watching replays of First Yaya. Jusko ka Cassy Legaspi, ba’t mo ‘ko pinaiyak!” Nadala rin ang netizen na si Belaaaaaaa sa emosyon ng karakter ni Cassy, “Grabe dalang dala ako sa acting ni Nina. Wala akong masabi. Nakaka-proud ka talaga @LegaspiCassy.”

Maliban sa kanyang husay sa drama, marami rin ang nakatutok sa nakakakilig na eksena ni Cassy at ng kanyang partner sa serye na si Joaquin Domagoso.

Napapanood ang ‘First Yaya’ gabi-gabi sa GMA-7, GTV, at Heart of Asia.

(STARWORLD by ROMMEL GONZALES / BISTADODAILYNEWS.NET)