Breaking News, Showbiz

Janine Gutierrez kinilig sa tweet ni Regine Velasquez

MAY kilig sa pagitan nina Janine Gutierrez at JC Santos sa latest na pelikula nila, ang ‘Dito At Doon.’ 

Kaya naman dahil usapang kilig, natanong si Janine kung kanino siya huling kinilig, bukod siyempre sa boyfriend niyang si Rayver Cruz.

“Nag-isip po talaga ako ng mga nakakakilig,” ang tumatawang sagot ni Janine na nag-isip muna bago nakasagot.

“Pero ang huling super-kilig moment ko, meron pong tinweet si Miss Regine na nakakatawa noong nakasalubong ko po siya sa ABS na parang…

“Akala niya, maganda na siya today, tapos nakasalubong daw niya ako,” at muling tumawa si Janine.

“Kilig na kilig ako! Kilig na kilig ako, na may sinabi sa akin.”

Ang tinutukoy ni Janine ay walang iba kundi si Regine Velasquez.

Kahit naman kasi siguro sino ang purihin ng Asia’s Songbird ay tiyak na kikiligin.

Si JC naman, walang ibang kinakikiligan kungdi ang misis niyang si Shyleena Herrera na ina ng anak nilang si River Altheia na one year and two months old ngayon.

Speaking of Rayver, ano ang naging importansiya ni Rayver kay Janine sa panahon ng pandemya?

“Ako, naisip ko na parang malaking tulong din yung bukod sa pamilya mo, palagi kang merong kausap.

“Na kahit masungit ka or malungkot ka, kakausapin ka pa rin niya,” at natawa si Janine.

“Parang nung pandemic kasi kailangan natin talagang umasa at sumandal sa isa’t-isa so I’m just grateful that  na meron akong ganung kasama nitong past year.”

Samantala, nalulungkot man na hindi sa mga sinehan maipapalabas ang movie nila, okay na rin kina Janine at JC dahil mas importante pa rin nga naman ang kaligtasan nating lahat.

Mapapanood via streaming ang ‘Dito At Doon’ sa limang major online platforms: KTX.ph (https://www.ktx.ph/); Cinema ’76 @ Home(https://cinema76fs.eventive.org/welcome); iWant TFC ( https://tfc.tv/), Upstream ( https://upstream.ph/) at sa Ticket2Me (https://ticket2me.net/).

Sa direksyon ni JP Habac, nasa cast din ng ‘Dito At Doon’ sina Yesh Burce, Victor Anastacio at Lotlot de Leon at prinodyus ng TBA Studios, in association with WASD Films.

Ang mga film aficionados sa ibang bansa ay magkakaroon din ng pagkakataon na mapanood ang pelikula dahil inihahanada na ng TBA Studios ang worldwide release via premium video on demand (PVOD).

Para sa iba pang detalye tungkol sa ‘Dito At Doon,’ pumunta lamang sa https://www.facebook.com/TBAStudiosPH, o i-follow ang TBA Studios sa Twitter, Instagram at Youtube. Maaari ring sumali sa kanilang group chat online gamit ang hashtags na #DitoAtDoon #ProudlyTBA.

            *****

Handog ng GMA Network ang mga espesyal na pelikula para sa Kapuso viewers ngayong Linggo ng Pagkabuhay, Abril 4.

Tunghayan sa Kapuso Movie Festival ang animated film na ‘The Angry Birds Movie 2’ kung saan mapapanood ang kuwento ng bangayan sa pagitan ng mga flightless na ibon at mapanlinlang na green pigs.

Muli namang balikan ang kilig moments sa ‘Imagine You & Me’ na pinagbibidahan nina Asia’s Multimedia Star Alden Richards at actress-comedienne Maine Mendoza sa GMA Blockbusters. Sundan ang istorya ng isang babaeng caregiver sa Italy na makakakilala ng lalaking hindi pa maka-move on mula sa dating relasyon.

Huwag palalampasin ang mga ito sa Kapuso Movie Festival bago mag-All-Out Sundays; GMA Blockbusters pagkatapos ng ‘All-Out Sundays’ at ‘Telesine Presents’ pagkatapos ng ‘The Boobay and Tekla Show’ sa GMA-7.

(STARWORLD by ROMMEL GONZALES / BISTADODAILYNEWS.NET)