Breaking News, Showbiz

Janella isa nang ina; Vilma suportado ang Senate Bill ni Sotto

SA wakas umamin din ang Kapamilya star na si Janella Salvador na siya’y nagsilang na at ganap nang isang ina nitong nagdaang October, 2020. Bagama’t isang buwan bago ang kanyang panganganak, nito lang September 2020 nang umingay ang balitang nagdadalantao daw si Janella courtesy ng kanyang boyfriend na si Markus Paterson, dating aspiring Kapamilya talent.

Bagama’t walang kumpirmasyon noon sa dalaga  na siya nga’y nagdadalangtao, lalong nag-apoy ang ispekulasyon nang lumipad papuntang United Kingdom ang mag-inang Janella at  Jenine Desiderio para magbakasyun daw sa home country ni Markus.

Subalit October 21, 2020, umusok ang balitang nanganak na ang aktres, gaya nang unang naiulat sa PEP na sinabing sa October ang kabuwanan ni Janella.

Napaniwala ang maraming netizens na nagsilang na nga si Janella,dahil sinundan ito ng mga post ni Markus sa kanyang Instagram Stories ng mga larawan ng bagong silang na sanggol.

Na nito lang din kinumpirma ni Markus sa kanyang Instagram nitong Martes, January 5 ang panganganak ng karelasyong singer-actress.

Sabay ding nag-post ang aktres ng kanyang larawan habang karga-karga ang isang bata na madilim ang kuha kaya’t hindi masyadong maaninag ang mukha ng baby.

Sabi ni Janella sa caption, “It’s time. 8 pm. Link in bio.”

Kahulugan nito’y sa naturang oras magsasalita ang Kapamilya actress tungkol sa panganganak niya sa anak nila ng nobyong si Markus Paterson.

Ikinatuwa naman ito ng ilang mga kaibigan sa showbiz ni Janella tulad nina Kathryn Bernardo, Alexa Ilacad, Alex Gonzaga, Michelle Vito, at iba pa, ang paglalantad ni Janella.

May kahalintulad ding post sa kanyang Instagram account si Markus.

Ipinost niya ang kamay ng anak na nakadikit sa kanyang hintuturo, at nilagyan niya rin ito ng caption na “8pm, link in bio.”

                                                      *****

            Vilma suportado ang Senate Bill No. 167 ni Tito Sotto

SANG-AYON ang Batangas 6th District Congresswoman Vilma Santos-Recto sa inihaing panukala ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto lll, ang Senate Bill no.1967 na layuning i-grant muli sa ABS-CBN ang bagong license to operate its TV and radio broadcasting, nitong Lunes, January 4.

Layunin ng nasabing Sotto bill na mabigyan ng bagong franchise ang ABS-CBN for another 25 years after its previous license to operate expired and it’s application for a new one (franchise) na tinutulan ng House of Representatives last July 10, 2020 after series of Congress hearings.

Sa naging pahayag ni ate Vi, aniya,.”We need to start rebuilding our economy. Through this bill, we will be creating jobs (so many people do not have jobs today) and help to promote healthy competition among  networks. Most importantly, ‘di maipagkakaila ang far reach ng ABS-CBN in the regions during calamities.” pahayag ng aktres-pulitiko.

Umaasa si ate Vi na ang House Committee on Rules will “immediately act” on Sotto’s bill para maipadala agad sa Committee on Legislative Franchises, para sa agarang aksyon.

“I am hoping for the best,” sabi pa ng mambabatas.

Bago pa sa kanyang pagri-refile ng Sotto’s bill, nauna nang nagpahayag ang kanyang mister na si Senator Ralph Recto na ang ABS-CBN deserves to operate on free TV at sa radyo.

(TSIKA NI LOLA by ADOR SALUTA / BISTADODAILYNEWS.NET)