Breaking News, Showbiz

Janah  Zaplan gustong maging Miss Universe tulad nina Pia at Catriona

BUKOD sa pagiging mahusay na singer, ang maging beauty queen someday ang pangarap ng Star Records recording artist at  3 times Aliw awardee na si Janah Zaplan.

Kuwento nga ni Janah  nang makausap namin sa presscon ng “Mamasapano“ ng Borracho Film ng napaka-generous attorney na si Ferdinand Topacio, kung saan isa si Janah sa cast ng nasabing controversial movie,  na gusto raw niyang maging beauty queen.

Ilan nga sa mga beauty queen na tinitingala niya ay sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at 2018 Miss Universe na si Catriona Gray na katulad ni Janah ay isa ring singer /performer.

Sa ngayon nga raw ay pinapanood na ni Janah  ang video sa youtube ng laban nina Pia at Catriona mula sa local hanggang sa International nang sa ganoon ay maging handa siya kapag siya naman ang sumabak sa Binibining Pilipinas o Miss Universe Philippines.

Pero naka-focus pa rin daw ang magandang dalaga sa kanyang first love, ang pag awit at sa pag arte kung saan kahit may pandemya ay sunud-sunod ang proyektong dumarating sa kanya.

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS.NET)