Breaking News, Showbiz

Isyung nakabuntis si Dingdong ‘di mamatay-matay kahit itinanggi na ng aktor

TINATAWANAN na lang ng Primetime Queen na si Marian Rivera ang tsikang nakabuntis ang kanyang esposing si Primetime King Dingdong Dantes ng Kapuso actress ilang taon na rin ang nakalipas.

Ayon nga sa balita na nakausap na ni Marian si Dingdong tungkol dito at kaagad naman nitong pinabulaanan, nagulat nga raw ang aktor sa pagkalat ng nasabing tsika.

Lumantad na rin naman ang actress na sinasabing nabuntis ni Dingdong na si Lindsay De Vera na nakasama nito sa isang proyekto, at maging ito ay sinabing hindi siya buntis at wala daw katotohanan ang nasabing balita.

Pero kahit na nga pinabulaanan na ng dalawang kampo ang isyu sa pagbubuntis ay marami pa ring nag-iisip na baka totoo ang nasabing tsika lalo na matagal-tagal ding nawala sa sirkulasyon si Lindsay De Vera at ngayon lang ulit nagpakita nang kumakalat na nga ang isyung nabuntis siya ng aktor.

                        *****

         Jos Garcia, superstar sa Japan

Di maitatanggi na mistulang superstar sa Japan ang Pinay singer na nagpasikat ng awiting  “Ikaw ang Iibigin“ na mula sa komposisyon ni Michael Lara na di lang sa Pilipinas sumikat kung hindi maging  sa iba’t ibang parte sa Asya lalo na sa Japan kung saan naninirahan na si Jos.

Mistulang National anthem nga ito ng mga Pinoy na laging kinakanta sa mga videoke at maging ang mga Hapon ay maririnig mo ring inanawit ito.

Isa nga si Jos sa maituturing na sikat talaga sa Japan dahil na rin sa husay nitong kumanta at mag-perform at dagdag pa dito ang pagiging  magiliw sa kanyang mga tagahanga, kaya naman mahal na mahal siya ng mga ito.

Katunayan nga ay may fans club ito sa Pilipinas at sa Japan at may mga tagahanga na rin sa iba’t ibang panig ng Asya.

At ngayong taon nga ay may bago itong handog para sa kanyang nga tagahanga dahil may bago siyang awitin na mula sa komposisyon ng legend sa musika na si Mr. Rey Valera at ito ay ang  ang awiting “Nagpapanggap“  na  prinodyus ni Civ Fontanilla ng Viva Records. 

Ayon nga kay Jos, “ The song is about pretension and acceptance despite knowing the fact that the person you love does not have the mutual feelings in return.”

Malaking karangalan nga raw kay Jos ang makatrabaho ang hitmaker na si Rey Valera sa kanyang lalabas na bagong album.

Bukod nga sa awiting ‘Nagpapanggap’ ay may mga songs pa na ibibigay ni Rey kay Jos na isasama sa kanyang album ngayong taon.

At kahit nga busy ito sa dami ng kanyang gig sa Japan ay nakatakda naman nitong i-shoot ang music video ng kantang “Nagpapanggap“ ngayong Pebrero at abangan din ang iba nitong awitin na si Master Rey Valera oa rin ang nag-compose.

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS.NET)