Breaking News, Showbiz

Isabelle de Leon handa nang rumampa sa Miss Multinational 2021 sa India

PANAHON na naman ng mga pageants at habang katatapos pa lang ng controversial na Miss Grand International 2020 na ginanap sa Thailand at pumuwesto ang kandidata ng Pilipinas na si Samantha Bernardo bilang 1st Runner Up kahit marami ang nagsasabi na ito dapat ang manalo over  Ms USA na siyang itinanghal na Ms Grand International 2020.

Sinundan ito ni Kelley Day na nag 1st Runner Up din sa katatapos na Miss Eco International 2020 na ginanap sa Egypt at pinagwagian ni Ms South Africa at itinanghal na Ms Eco International 2020.

Habang dalawang Pinay pa ang  lalaban ngayong taon at ito ay sina Rabiya Mateo para sa  inaabangang Miss Universe 2020 na gaganapin sa Hollywood Florida USA sa May 16.

At ang actress na si Isabelle Daza De Leon para maman sa Miss Multinational 2021 na gaganapin sa New Delhi, India sa June.

Grabeng paghahanda raw ang ginawa ni Isabelle mula sa kanyang pangangatawan kung saan lagi itong nag-eehersisyo para mapanatili nitong maganda ang hubog ng kanyang katawan, pinaghahandaan din nito ang question and answer portion at ang kanyang passarela.

Dapat sana’y last year lalaban si Isabelle na naudlot dahil sa covid 19 Pandemic at ngayong taon nga ay matutuloy na, kaya nanan masusing paghahanda talaga ang ginagawa nito para masungkit ang korona.

Humihingi nga ng suporta si Isabelle sa mga Pilipino na ipagdasal siya para sa kanyang laban sa June 2021 sa New Delhi India para sa  Miss Multinational 2021.

Habang wala pang napipiling kinatawan ng Pilipinas para sa Miss World, Miss Supranational at Miss International 2021.

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS.NET)