Breaking News, Showbiz

Ion to Vice Ganda: ‘Magtatatlong taon na tayo, ‘di ka pa nakakapag-adjust!’

NOONG nakaraang linggo may naganap na maiksing biruan sina Vice Ganda at Ion Perez tungkol sa kanilang relasyon sa isang episode ng ‘It’s Showtime.’

Sa isang segment, natatawa si Vice sa dahil hindi niya masakyan ang pagsasalita ni Ion. Mahina at mabilis magsalita si Ion. Kaya’t tinukso si Vica ng kasamang hosts na dapat intindihin na lang niya si Ion.

Buwelta naman ni Ion kay Vice, “Magtatatlong taon na tayo hindi ka pa nakakapag-adjust?” ani Ion sa live-ing ‘It’s Showtime’ host.

Sumagot si Vice. “Hindi man lang daw ako makapag-adjust. Wow! Hiyang-hiya naman ako sa adjustment na ‘to, ah!” biro pa nito.

Natawa lang dito si Ion at nag-finger heart kay Vice, bilang indikasyong biruan lang ang batuhan nila ng hirit.

Ang mga ganitong eksena o biruan ng dalawa ay normal na sa kanila. Kaya’t araw-araw man daw intrigahin na ‘peke’ raw ang pagmamahal ni Ion Perez sa karelasyong si Vice Ganda, manhid na ang kanyang puso sa pagpapaliwanag ng totoo niyang nararamdamang pagmamahal kay Vice.

Gaya na lang ng Instagram post ni Ion nitong Martes, paulit-ulit nitong inihahayag ang kanyang tunay na  pagmamahal kay Vice.

Makikita sa post ni Ion ang stolen shot nila ni Vice (na tila magkasamang nakahiga) with caption na kung saan nito ipinangangalandakan ang pagmamahal sa karelasyon.

Caption ni Ion, “Bago niyo isipin at sabihin na lolokohin ko to! Isipan niyo muna na may isang NANAY ROSARIO akong sinabihan na MAHAL NA MAHAL KO ang ANAK niyang si TUTOY!”

Pabirong komento ni Vice.sa post ni Ion, “Daming ebas! Lolz!!!”

Na sinagot naman ni Ion ng: “@praybeytbenjamin I LOVE YOU TUY [heart emojis]”

Payo ng netizen kay Ion, dapat daw suklian ni Ion ang pagiging supportive ni Vice sa kanya. At hindi one-way-traffic lang ang pakikipagrelasyon dahil may mga needs at career din si Vice na kanyang iniintindi.

                                                *****

Si Edu Manzano mismo ,ama ng TV host na si Luis Manzano ang nagkumpirma na engaged na ang anak sa long-time girlfriend nitong si  Jessy Mendiola. Bilang ama, masaya siya anak na nagdesisyong pakasalan ang aktres na ilang taon ding magkarelasyon. Nasa tamang edad na rin ang dalawa para magpakasal, si Luis ay 39 samantalang 28 naman si Jessy.

Sa isang panayam kay Edu, naitanong ng mga press kung humingi ba sa kanya ng payo si Luis tungkol sa plano nitong alukin ng kasal ang girlfriend nito?

 Sabi  ni Edu, never daw humingi ng advice sa kanya ang anak nila ng dating karelasyong si Congw. Vilma Santos-Recto.

Sey pa ni Edu, “Ako na ang nagsasabi sa kanya, ‘Huwag mo akong hingan ng advice.

“Actually, pinag-usapan(na namin), pero sinikreto, e.” sey ni Edu. “You know, we respect my son’s wishes and that of Jessy, so ini-inform kami ni Vilma, pero hanggang dun lang. (nasabi sa amin) na, Ikakasal na nga, pero wala pa yung buwan. Yung final date dapat…pero ang pinakaimportante sa kanya [Luis] at this point, was yung inanunsiyo nila yung engagement.” masaya niyang pagbabahagi.

Naitanong din sa aktor-pulitiko kung excited na rin siyang maging lolo sa anak ng dalawa?

Atubili niyang sagot,, “Ako, ayokong kuwan. Ayokong… kasi minsan, maraming… pressure ‘yan sa couple. When you talk about being a lolo, or being a lola, I don’t want to put that kind of pressure on them. They’re very young, they both have successful careers. Depends kung ano yung kanilang ipapa-prioritize.Ako, kung ano ang magiging desisyon nila, I’m happy.”

Masaya lang daw siya sa panibagong chapter na haharapin sa buhay ng anak.

“At least, nakatagpo na siya ng babaeng masasabing nagkakaintindihan sila. ‘Coz, you know, being married at kung ikaw ay bahagi ng industriya natin, you, makikita mo rin kung gaano kahirap ang mag-maintain din ng isang marriage.

“Kasi lalo na yung mga oras… kung saan ka dinadala ng iyong mga trabaho.” katuwiran niya.

Singit pa niya, “Pero marami ring bagay na nagbago dahil sa pandemic, at suwerte yung mga naka-lock in ngayon kasi less hours ang shooting nila. Mas binibigyang pansin ang kanilang kalusugan.

“So, I’m sure si Luis, naghintay ng mahaba-habang panahon para makapagdesisyon nang ganito. So, I’m happy for him, kasi siya lang ang nakakaalam.”

Naitanong din kay Edu, kung ano sa palagay niya ang katangian ni Jessy na nagustuhan ng anak ? “You know, I’m sure… kung isang babae naging bahagi ng buhay mo, may mga katangiang talagang nagustuhan mo, so it’s not for me to determine but for my son, because siya yung person na involved.

“Kung sino man ang naging bahagi ng buhay niya, there had been a moment for that person to be very, very special. But now, sabi nga, he decided to take the plunge with Jessy, so big step, big step. You know, we respect my son’s wishes and that of Jessy, so ini-inform kami ni Vilma, pero hanggang dun lang.” pagtatapos ni Edu.

(TSIKA Ni LOLA by ADOR SALUTA / BISTADODAILYNEWS.NET)