Breaking News, Showbiz

Ion iniyakan ang akusasyong pera lang ang habol kay Vice Ganda

GOING three years na ang relasyong Vice Ganda at Ion Perez simula nang kumpirmahin ng dalawa sa programang ’It’s Showtime’ na mayroon silang ugnayan. Ngayong October 25, 2021 na ang kanilang 3rd year anniversary at bagama’t masaya sila sa pag-amin, hindi pa rin naisasantabi na paminsan-minsa’y nababa-bash din sila.             

Marami pa rin ang naniniwala na ‘pera’ pa rin ang habol sa kanya ni Ion na nagsimulang sumikat sa Ms. Q and A segment ng ‘It’s Showtime.’

“Sabi (kasi) nila, mukha daw pera nanay ko,” bungad na pahayag ni Ion dahil sa pagkunsiniti  umano ng kanyang nanay sa relasyon ng dalawa.

Ayon pa kay Ion, ang akusang ito ay ang pinakamasakit daw na sinabi ng mga tao mula nang ihayag nila ni Vice Ganda sa publiko ang kanilang relasyon.

Sa bagong vlog ng It’s Showtime host ,na si Vice na inilabas  nitong January 21, naglaro ang dalawa ng “Jenga challenge with a twist” kung saan may mga katanungan at dare ang bawat challenge  at naging kuwela naman ang naging takbo ng kanilang challenge.

Sa bandang dulo ng vlog, sinabihan ni Vice si Ion na sagutin ang ilan pang katanungan. Isa na rito ang tanong na, “Ano ang pinakamasakit na sinabi ng ibang tao tungkol sa relasyon ninyo?”

Sinundot muli ni  Vice ang tanong nito sa bf, “Bagay sa ‘yo yung tanong. Ikaw naka-experience niyan nang bonggang-bonggang major to the severest level.”

Sagot ni Ion, labis siyang nasaktan na sinabihan siya ng mga taong mukhang pera ang nanay niya. Makahulugan ito kay Ion dahil tila pinalalabas ng mga nagkomento na pera lamang ang habol ng pamilya ni Ion kaya pinapayagan ng mga itong magkarelasyon ang kanilang binata kay Vice, na isa sa pinakasikat at pinakamayamang TV host-comedian sa bansa.

Sagot ng binata, nasaktan siya para sa kanyang nanay na sabihang ang yaman lang ni Vice ang kanilang puntirya.

“’Yon yung pinakamasakit sa akin. Sa akin, okay lang, e, tanggap ko yun, e. Pero yung sa nanay ko, parang ano, e, nakasama ko yun, alam ko naman ‘yon nun, e, nakasama ko sa hirap, e.”

Hindi ito lingid kay Vice at  at ayon pa kay Vice, labis daw itong iniyakan ni Ion noon. Dahil kilala naman daw nila kung ano ang foundation ng kanilang relasyon, kanila nang tinatawanan ang mga negatibong puna at paninira na kanilang tinatanggap.

Sa namamagitan sa kanilang samahan, marami pa rin ang nagduda na baka pera nga lang ni Vice ang habol ni Ion. Kahit pa noong bago pa nila inaming sila na nga, iyun (pera) pa rin ang iniisyu kay Ion.

“Kasi kung ginawa ko po yun sa kanya, parang wala na rin akong pinagkaiba sa mga nakaraan na nanloko sa kanya.” katuwiran nito.

Pakiusap na lang  niya, “Sa lahat ng nag-iisip na pineperahan ko si Vice Ganda, mga tsong, siguro masasabi ko lang sa inyo, pakisamahan nniyo lang ako sa maghapon. Kung may nasabi kayo sa pag-uugali ko, magpapaalila ako sa inyo habang buhay…” hamon pa niya.

                        *****

            Tambalang Joross at Roxanne may kilig pa rin

DAMA pa rin hanggang ngayon ng netizens ang kilig na dala ng JoRox loveteam nina Joross Gamboa at Roxanne Guinoo-Yap sa original series nilang ‘Hoy, Love You!’ na napapanood pa rin nang libre sa buong mundo sa iWantTFC.

Natunghayan sa unang apat na episode ng serye ang nakakakilig na pagkakamabutihan na nauwi sa pag-iibigan ng single parents na sina Jules (Joross) at Marge (Roxanne). Subalit sa pagbabalik ng ex-boyfriend ni Marge na si Richard (Dominic Ochoa), lalong kailangan patunayan ni Jules na siya ang nararapat sa puso ni Marge.

Bukod sa good vibes mula sa JoRox, nagbibigay din saya at katatawanan ang serye sa mga manonood dahil sa mga eksena ng iba pang stars nitong sina Keanna Reeves, Pepe Herrera, TJ Valderrama, Yamyam Gucong, at Ms. Carmi Martin.

Ngayong araw-araw na may bagong episode itong pinapalabas, araw-araw ding kasama sa trending topics sa Twitter Philippines ang official taglines of the day nito.

Komento ni Twitter user @reigndelacruz, “Basta JoRox talaga iba ang kilig at saya na hatid, ewan ko ba anong meron ang tandem na ito! Napakagagaling mapadrama at komedya, kayang-kaya!”

Ayon kay @KarJonHongKong, “Thank you so much @iwanttfc @TheodoreBoborol sa HLY na ‘to. May abangan ako gabi-gabi at free ko mapanood. Tulad kong OFW talagang isa ‘to sa nagpapasaya sa amin kapag may mapanood kami magandang show. Nakakagood vibes siya.”

“Done watching! Nakaka-good vibes lalo na ‘yung paharana sa dulo. Haha nawala pagkastress ko sa lesson kanina sa online class!” sabi ni @iamsolidkarina sa Twitter.

Nag-post din si @mbarciaga ng, “Hindi ako huge fan ng Pinoy sitcom pero sobrang promising nito. Ito ang magpapasaya sa atin ngayon lalo na’t may pandemya. Support na rin sa ABS.”

Bukod sa kilig ng JoRox, inaabangan na rin ng fans ang mga susunod na episode para sa tambalan ng KarJon na sina Aljon Mendoza at Karina Bautista.

Libreng napapanood sa buong mundo ang “Hoy, Love You!” sa iWantTFC app (iOs at Android) o sa iwanttfc.com. Mayroon itong pitong episodes na isa-isang inilalabas araw-araw tuwing 8 PM hanggang Enero 24. Mapapanood din ang mga ito sa mas malaking screen dahil available na rin ang iWantTFC sa mga piling smart TV brands, ROKU streaming devices at Telstra TV para sa users na nasa labas ng Pilipinas. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://iwanttfc.com/help#tfc-on-smart-tv.

Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC, o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWant TFC o mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.

(TSIKA NI LOLA by ADOR SALUTA / BISTADODAILYNEWS.NET)