Breaking News, Showbiz

Ilang Kapuso stars nag-share ng recipe sa ‘Good News’ 

NGAYONG pandemya, sumabak rin sa kusina ang mga Kapuso star at ang iba nga sa kanila, ibinahagi ang kanilang recipe sa ‘Good News’ na mapapanuod ngayong Lunes (April 19) sa GTV.

Sa tulong ni Maey Bautista, alamin natin ang sikreto ng homemade pizza ni Jennylyn Mercado. Ipapakita naman ni Richard Yap ang kanyang fried rice recipe. Para sa healthy and yummy pasta recipe, si Alice Dixson ang bahala.

Bukod sa turon o lumpiang shanghai, ituturo rin ng ‘Good News’ ang kakaibang lumpia recipes na tiyak magugustuhan ng buong pamilya. Aariba sa almusal ang lumpia version ng churros at pancake, habang pwedeng ulam naman ang lumpia tortilla. Para sa meryendang may Italian twist, subukan ang lumpia pizza.

At since “lugaw is essential,” titikman ni Love Añover ang sari-saring mga paandar nito. Uumpisahan niya ang pagsampol ng gotong pinagbibidahan ng puwet ng manok. Abot-langit naman ang kaniyang kabusugan sa mga gotong may sinigang at Bicol Express twist. Para sa lugaw na kakaiba, susubukan niya ang version na may sisig at adobo egg.

Samahan si Vicky Morales sa ‘Good News’ tuwing Lunes, 5:45 p.m. sa GTV.

            *****

Will Ashley may Silver Play button na

            CERTIFIED content creator na talaga ang Kapuso teen actor na si Will Ashley! Sa kanyang Instagram post, ibinahagi niyang natanggap na niya ang Silver Play Button mula sa YouTube dahil higit 100,000 na ang subscribers ng kanyang channel.

Inumpisahan ni Will ang pagba-vlog noong August 2019 at simula noon ay lagi nang inaabangan ng viewers ang mga video niya lalo na tuwing kasama niya ang co-stars sa nagdaang top-rating GMA Afternoon Prime show na ‘Prima Donnas.’

Congratulations, Will!

(STARWORLD by ROMMEL GONZALES / BISTADODAILYNEWS.NET)