Breaking News, Nations

HOUSE-TO-HOUSE COVID-19 VACCINATION SA MGA SENIOR CITIZENS

KINUKONSIDERA ng Department of Health (DOH) na magsagawa ng “house-to-house” vaccination para sa mga vulnerable at high-risk senior citizens na kasama sa priority list ng pamahalaan para sa COVID-19 vaccination program.

Sa pagdinig ng House Committee on Health sa COVID-19 vaccination program ng pamahalaan, sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III na posibleng gawin ang house-to-house vaccination.

Ito ay upang hindi na mahirapan ang mga napapabilang sa mga sektor na ito sakaling papuntahin pa sila sa mga vaccine sites, kaya kung maari ay dadalhin na lamang ang bakuna sa kanilang bahay mismo.

Nauna nang sinabi ni Duque na 4,512 na lugar ang natukoy nila na gawing vaccination points sa buong bansa. (Eloise L.)