Breaking News, Showbiz

Heart Evangelista tampok sa billboard sa Times Square, New York

ISA na namang proud moment para sa Queen of Creative Collaboarations at Kapuso star na si Heart Evangelista at kanyang fans ang pag-appear niya sa isa sa mga digital billboard sa Times Square sa New York City.

            Sa Instagram, excited na ibinahagi ni Heart ang litrato ng nasabing billboard, “I still can’t believe that my billboard for @iasthreads is displayed in Times Square in New York! I’m so grateful for such an incredible opportunity to highlight a sustainable brand that shows the talented craftsmanship of Filipino artisans. God is truly good!”

Makikitang hawak niya ang Panda Minaudière, ang bag na ipinangalan sa alaga niyang aso na si Panda mula sa IA Thread’s Cruise Collection ng brand.

Inulan naman ng congratulatory messages at positive feedback mula sa fans at mga malalapit niyang kaibigan ang comments section ng post ni Heart.

                        *****

            Nagbabalik ang ‘Magkaagaw’   

HINDI dapat palampasin ng viewers ang mga kapana-panabik na eksena sa pagbabalik ng hit GMA Afternoon Prime series na ‘Magkaagaw’ simula ngayong Lunes (January 18).

Ayon sa lead stars ng serye na sina Jeric Gonzales at Klea Pineda, maraming heavy scenes ang matutunghayan sa kanilang new episodes.

Kuwento ni Klea, “Marami silang dapat abangan. Base sa mga nakunan naming eksena, lahat halos puro heavy scenes. Mahirap kasi nanggaling kami sa bakante na seven months pero lahat ng effort at oras namin ay nilalagay namin sa show na ‘to. Para marami silang mapanood na eksena na talagang puno ng cliff hangers at challenges na mangyayari.”

Dagdag pa ni Jeric, “Ang masasabi ko lang is walang eksenang matatapon dito o masasayang sa ginawa namin kasi intense lahat. Nandito na tayo sa climax ng kuwento kaya dapat abangan n’yo. ‘Wag n’yo palampasin.”

Matatandaan na naputol ang kuwento nang nasa panganib ang karakter ni Klea na si Clarisse pati ang kanyang inang si Laura (Sunshine Dizon). Lahat ito ay pakana ni Veron (Sheryl Cruz) para pagtakpan ang relasyon nila ni Jio (Jeric).

Muling balikan ang maiinit na eksena sa recap ng ‘Magkaagaw’ na mapapanood na simula January 18, 2:30PM, sa GMA Afternoon Prime.

*****

Psalms David, may virtual concert

            NGAYONG Martes (January 12), magkakaroon ng birthday concert ang Kapuso singer na si Psalms David sa livestreaming app na Kumu.

            Ilan sa mga makakasama ni Psalms live ay ang kanyang kapwa Kapuso stars na sina Christian Bautista, Jeremiah Tiangco, Crystal Paras, Dani Ozaraga, Muriel Lomadilla, at marami pang iba.

            Makisaya sa isang gabi ng kantahan at kuwentuhan ngayong araw na ito, 6pm, sa “Psalms David Birthday Concert” sa Kumu!

 (STARWORLD by ROMMEL GONZALES / BISTADODAILYNEWS.NET)