Breaking News, Showbiz

Heart Evangelista dalawa ang leading men sa bagong serye 

IBINAHAGI ng Queen of Creative Collaborations na si Heart Evangelista na dalawang leading men ang makakasama niya sa upcoming Kapuso series na ‘I Left My Heart in Sorsogon.’ 

Looking forward na ang Kapuso actress sa nasabing comeback project matapos ang kanyang huling serye sa GMA na ‘My Korean Jagiya’ taong 2017.

Ayon kay Heart sa isang online interview, “I’m very, very excited about that. It’s been three years since my last soap so medyo kailangan ko na as an artist ng some kind of a release.”

            Ito rin ang unang beses na makakatrabaho ni Heart ang isa sa kanyang leading men na si Richard Yap, “I haven’t met him actually. I’ve never met him or spoken to him, but we do have common friends and they have really nice things to say about him. I’m very excited because it’s so important for me to work with someone that’s nice.”

            Ikinuwento rin ni Heart na sumabak siya sa isang screen test via Zoom kung saan nakasama niya ang ilang aktor na posibleng gumanap bilang kanyang second leading man.

            “I’m very excited kung sino ‘yung isa pang leading man kasi parehong mabigat ‘yung character. They have to be equally amazing and talented and mahirap pumili,” dagdag pa niya.

            *****

            Howie Severino, may podcast na

            Sasabak na rin sa podcasting ang GMA News pillar at batikang journalist na si Howie Severino sa pamamagitan ng ‘The Howie Severino Podcast’ na unang mapapakinggan ngayong Huwebes, April 8.

Makakasama ni Howie sa first episode ng podcast niya ang kapwa GMA News pillar at award-winning broadcast journalist na si Jessica Soho.

            Abangan ang magiging kuwentuhan nila, kasama na ang naging journey ni Jessica bilang isang broadcast journalist. Pag-uusapan din nila ang top-rating show na ‘Kapuso Mo, Jessica Soho’ pati na ang mga bagong pinagkakaabalahan ni Jessica ngayong pandemic.

            Ang ‘The Howie Severino Podcast’ ang kauna-unahang podcast ng GMA News and Public Affairs. Magkakaroon ito ng weekly episodes tampok ang iba’t ibang personalities from various fields and industries. Mapapakinggan ito sa Spotify, Apple Podcast, and other digital streaming platforms.

            *****

Jennylyn Mercado sa MPK


            Inihabilin kay Mylene ng kanyang Lola Ising ang anak nitong si Rebecca para malayo sa gulo nang mambabae ang asawa nito. Tinanggap naman ng mag-asawang Mylene at Rico ang responsibilidad kay Rebecca. Hanggang nakilala nila si Noel, isang faith healer na may kaibigan daw na dwende. Kahit tutol si Mylene ay nagkaroon ng relasyon si Rebecca at Noel.

Ito ang sabay-sabay nating alamin sa kababalaghan at kahindik-hindik na pagtatanghal ng ‘Magpakailanman’ ngayong ika-10 ng Abril na pinamagatang ‘Sa Kamay Ng Faith Healer’ na pinagbibidahan ng kapuso star na si Jennylyn Mercado bilang si Mylene, Juancho Trivino bilang Rico at Marc Anthony Falcon bilang si Noel. Sa direksyon ni Don Michael Perez, pananaliksik ni Karen Lustica at panulat ni Vienuel Ello.

(STARWORLD by ROMMEL GONZALES / BISTADODAILYNEWS.NET)