Breaking News, Showbiz

Heart at Chiz malabo pang magka-baby dahil bihirang magtabi

TINATAWANAN at hindi na lamang sineseryoso ni Sorsogon Governor Chiz Escudero ang comment ng ilang netizen na magkahiwalay daw sila ng tulugan ng asawang si Heart Evangelista. Pinagpiyestahan din sa mga tabloid bilang blind item at nai-post sa Twitter na hindi raw natutulog sa iisang kuwarto at hiwalay ang kama nina Chiz at Heart?

Malumanay na sagot ni Chiz sa post, “Haha… True!!! When I am in Sorsogon and @heart021485 is in Manila… Ang dami po ng problema ng Pinas, research pa more po ng mas makabuluhan at may pakinabang na pag-uusapan…Ang dami po ng problema ng Pinas, research pa more po ng mas makabuluhan at may pakinabang na pag-uusapan.”

Nagbigay naman ng detalye si Heart sa kanyang YouTube vlog sa kung ano ang setup nila ni Chiz bilang mag-asawa..

Sa kanyang YouTube, sinabi ni Heart na apat na araw sa isang linggo ang ginugugol ng asawa sa Sorsogon bilang gobernador ng probinsiya. Isa nga raw ito sa dahilan kung bakit hindi  sila magka-baby?

“Kasi nga kapag dumadating si Chiz, tapos na ‘yung week na fertile ako. Nakakainis. It’s not easy to get pregnant ha. You only have a few days, the window is like three to five days. Kapag nagkabagyo, nandoon si Chiz [sa Sorsogon]. Selfish ba ako?” ayon sa kanyang YT vlog.

“Kapag nandoon siya, magda-drive siya ng nine hours para nandito siya the next day sa window na puwede akong mabuntis? Mahirap talaga ang situation. After the pandemic guys, hintay na kayo. Stop asking if I’m buntis because I’m not.” sey pa ni Heart.

                                                               *****

            Painit nang painit ang ‘Walang Hanggang Paalam’

PAINIT nang painit ang mga eksena sa seryeng “Walang Hanggang Paalam” dahil isa na namang sikreto ang kailangang pagtakpan ni Anton (Zanjoe Marudo) kasunod ng aksidenteng pagkakabagok ng ulo ng kapatid niyang si Arnold (Javi Benitez) sa isang episode ng serye noong Miyerkules (Pebrero 17).

At para ma-refresh ang mga naka-miss ng eksena, nangyari ang aksidente sa gitna ng pagtatalo ng magkapatid matapos mabisto ni Arnold si Anton na nakikipag-usap sa telepono tungkol sa iligal na organ trafficking business ng kanilang pamilya at matuklasang inampon lang siya para maging heart donor ni Anton.

 

Patung-patong na nga ang problema ni Anton dahil nakakalap na ng matibay na ebidensya si Emman (Paulo Avelino) laban sa kanya at kapatid na si Amelia (Cherry Pie Pichace) mula sa isinagawang raid sa sindikato.

Palapit naman nang palapit si Emman sa katotohanan tungkol sa anak nila ni Celine (Angelica Panganiban) dahil naman sa tulong mula sa kanyang kapatid na si Bernie (McCoy De Leon).

Paano itatago ni Anton ang nangyari sa kanyang kapatid? Kaninong buhay ang susunod na masasakripisyo sa patuloy na pagtakas nila ni Amelia sa batas?

Dapat tutukan ang “Walang Hanggang Paalam” sa A2Z channel sa free TV at sa digital TV boxes gaya ng ABS-CBN TVplus. I-scan lang ang digital TV boxes para hanapin ang A2Z channel na mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.

Mapapanood pa rin ito sa cable at satellite TV sa Kapamilya Channel (SKYchannel 8 sa SD  at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, GSAT Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa). Maaari ring tumutok sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel at IPTV.Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom

(TSIKA NI LOLA by ADOR SALUTA / BISTADODAILYNEWS.NET)