Breaking News, Showbiz

Glaiza idolo ni Elijah sa pagkokontrabida; FDCP tuloy ang proyekto ngayong 2021

ANG mahusay na bida/kontrabida na si Glaiza De Castro ang iniidolo ng kapuso Kontrabida Princess na si Elijah Alejo, ito raw ang peg  ng dalaga pagdating sa pagkokontrabida.

Ayon nga ka’y Elijah, “Kung sa pagkokontrabida, ang gusto ko ay si ate Glaiza De Castro po dahil kahit anong role po kaya niya and kitang-kita po ‘yung passion niya sa pag-arte kasi ‘pag nakikita ko po siyang umaarte, hindi ko po nakikita si Ms. Glaiza kungdi yung character lang po.

“Bukod po sa puwede siyang magkontrabida dahil kering-keri niya and puwede din po siyang magbida dahil kaya niya rin , sobrang galing po niya napaka versatile actress. Katulad po ni Ate Glaiza gusto ko rin pong maging versatile actress yung kahit anong role ang ibigay sa iyo kering-keri mo mapabida o kontrabida. Isa sa dream ko na makasama siya sa isang proyekto sa GMA o maging sa pelikula po.”

Pero hindi naman daw issue kay Elijah if malilinya siya sa pagkokontrabida lalo na’t dito siya nag-click at hinangaan.

“Okey lang po if yung next project ko kontrabida ako uli kasi po mas nacha-challenge po ako sa pagiging kontrabida lalo na papalit-palit ng emotions pero kahit anong role naman pong ibigay sa akin kakayanin ko,

Sa ngayon nga raw ay waiting si Elijah sa next project na ibibigay sa kanya ng GMA 7 lalo na’t nagtapos na ang top rating afternoon serye nilang ‘Primadonnas.’

                        *****

Magagandang proyekto ng FDCP tuluy-tuloy pa rin ngayong 2021

Kahit na nga binawasan ang budget ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ngayong 2021 ay tuluy-tuloy pa rin ang mga makabuluhang proyekto nila sa pangunguna ng masipag na FDCP Chairwoman na si Ms. Lisa Dino.

Ayon nga kay Chairwoman Lisa, itutuloy pa rin niya ang advocacy na kanyang naumpisahan na matulungan ang entertainment industry sa bansa at kahit na nga nabawasan ang kanilang budget ay marami pa rin silang proyekto ngayong taon.

At isa na nga rito ang annual Film Ambassador’s Night na nagbibigay-pagkilala sa mga film industry creatives, artists, filmmakers, at films ng various formats na binibigyang pagkilala mula sa mga international film festival at award-giving bodies.

Dagdag nga ni FDCP Chairwoman Lisa, “FAN will bestow special awards to pay tribute to the invaluable contributions of film industry stakeholders who continuously work for the betterment of Philippine Cinema.”

Gaganapin sa  February 28 ang online awarding ng FAN 2021 via livestream sa FDCP Channel, kung saan merong 60 honorees at special awardees ang pararangalan ng FDCP, kabilang na ang filmmakers na sina Rafael Manuel at Lav Diaz na malaki ang naiambag sa movie industry.

Ilan dito ay ang Kapuso Actor na si Alden Richards, Lovi Poe, Cherie Gil, Cong. Alfred Vargas, Dingdong Dantes, Arjo Atayde, Cristine Reyes, Allen Dizon at iba pa sa larangan naman ng pag-arte

Ang Haligi ng Industriya award ay ibibigay kay Cinematography Icon  Romy Vitug at ang Ilaw ng Industriya Award naman ay kay Gloria Romero.

(HAROT by JOHN FONTANILLA / BISTADODAILYNEWS.NET)