Breaking News, Showbiz

Gari Escobar planong mag-produce ng pelikula

PLANO ng singer/songwriter na si Gari Escobar na mas maging aktibo ang kanyang showbiz career ngayong taon.

Wish ni Gari na mag-focus muna sa kanyang singing career hanggang sa kalagitnaan ng taon. Pati na ang paggawa ng pelikula ay puwede rin daw isabay, kung loloobin ng Diyos.

“Sa first half of the year, plano kong magsanay na rin sa teatro, pero kung kakain po ng malaking oras ay hindi po makakaya dahil sa business ko na hands-on talaga ako.

“Kaya malamang po ay patuloy ako sa pag-attend ng workshops itong first half of the year at ‘pag nagkaroon na po ng tamang confidence ay malamang na tumanggap muna ako sa mga maiikling exposure sa TV at movie.”

Dagdag pa niya, “Gusto ko rin makatulong sa ibang artists kaya may mga iniisip din kaming projects na may temang ala Live Aid po.”

Nabanggit ni Gari na wish niyang magprodyus ng pelikula.

Aniya, “May dalawang period films po na gusto ni manager na sumali ako, ready naman ako anytime dahil nag-yes na ako for that. Pero small roles muna po yun.

“By the second half of the year, wish ko po sana, may makausap na mahusay na director para sa unang ipo-produce kong film na pang-filmfest.”

Ipinahayag pa ni Gari na idolo niya sina Dolphy at Michael V, at hangad na makagawa ng pelikulang magpapakita ng magagandang lugar sa Filipinas para makatulong sa Tourism.

Wish din niyang makagawa ng tulad ng Korean film na Parasite na magiging proud siya.

Samantala, tutukan ang guesting ni Gari sa radio show ni Diane de Mesa sa DDM Studio LIVE na Notes From The Heart. Ito ay magaganap sa January 22 @ 8pm (California)/ January 23 @12pm (Manila).

“Natutuwa po ako kuya Nonie, new experience ito para sa akin. Kilala ko na po si Ms. Diane dahil nagkasabay kami ng guesting sa Letters and Music last year, nang bumisita siya sa Filipinas.

“I really look forward to working with other artists like her. Sa January 23 yung guesting ko sa radio show niya. Two songs ang ni-ready ko kuya para sa kanyang show,” saad pa ni Gari.

Muling mapapanood sina Gari at Diane sa Aliw Awards Congress Highlights 2020-A Post-Production Presentation for Facebook Live! Ito’y magaganap sa Feb. 5 sa Califonia at New York, at February 6 naman sa Filipinas.

Host dito si Ms. Diane de Mesa at ang aALIWIN Kita host na si Birdie Reyes III. Special guests naman sina Gari at Khenzuya Yamamoto na Aliw Special Awardee for Artistic Excellence. Pag-uusapan dito ang winners and behind the scenes sa nasabing event.

(SILIP by NONIE NICASIO / BISTADODAILYNEWS.NET)