Breaking News, Showbiz

Gari Escobar nagpasalamat sa mga sumusuporta sa OPM

MASAYA ang singer/songwriter na si Gari Escobar sa matagumpay na ‘Awit sa Pandemya’ virtual benefit concert ng PMPC na ginanap last Sunday.

Saad niya sa kanyang FB post:

“Congratulations for the success of Philippine Movie Press Club (PMPC)’s “Awit Sa Pandemya” Virtual Benefit Concert. Thank you for giving me the chance to be a part of this special event sharing the same virtual stage with some of our OPM giants (in random) Christian Bautista, Jed Madela, Ms. Kuh Ledesma, Gerald Santos, Imma Castro, Alden Richards, Lil Vinceyy, Luke Mejares, Jeric Gonzales, Ms. Diane de Mesa, and more OPM favorite artists.

“Thank you President Roldan Frias Castro, kuya Nonie Nicasio, kuya Fernan De Guzman, ka Rodel Ocampo Fernando, past pres. Sandy Es Mariano and the rest of the officers. Thanks to my friends and supporters who watched. Thank you for patronizing OPM.”

Nang nakahuntahan namin si Gari thru FB, nabanggit niya sa amin na maganda ang naging feedback sa kanyang performance rito.

Aniya, “Marami pong natuwa, nag-message po sa akin. Masaya po ako kapag masaya po sila. Pero ako po bilang isang perfectionist, nakikita ko po ang mga areas of improvement, para sa susunod ay maging mas maganda pa po.”

Isa si Gari sa fan at supporter ng OPM at si Kuh ang isa sa hinahangaan niyang artist mula pa noong hindi pa siya kumakanta, professionally.

Esplika ni Gari, “Ang songs ko po na ire-release ay 100 percent OPM.

“Dapat po, sa ating mga Filipino magsimula ang pagmamahal sa ating kultura, sa ating sining, at sa ating mga awitin. Kaya salamat po sa mga nagmamahal at sumusuporta sa OPM.”

Lahad pa ni Gari, “Sobrang fan po ako ng OPM, among those na mga kasama ko sa virtual concert kagabi, si Ms. Kuh Ledesma ay sobrang paborito ko po ang song niyang Wakas.

“Actually, may cover po ako niyon, old soul kasi ako kuya Nonie kaya marami akong favorites na favorites din ng Mom ko. Sobrang favorite ng mother ko si Kuh, pati hair niya noon ginaya, hehehe. Siya ang music lover na nakagisnan namin.”

Naibalita rin niya ang pinaplanong virtual concert, possibly next-next month.

“Mayroon po kaming pinaplano this June, pinag-iisipan pa lang po ang concept at kung sino ang makakasama ko,” saad pa ni Gari.

(SILIP by NONIE NICASIO / BISTADODAILYNEWS.NET)