Breaking News, Showbiz

‘Gameboys’ pasok sa LA Asian Filmfest; Fans na-excite sa Season 2 teaser

PANIBAGONG achievement na naman para sa ‘Gameboys’ ang inanunsiyo  sa Twitter ng producer nitong The IdeaFirst Company kaugnay ng pagkakapili ng naturang hit Pinoy BL series para mapabilang sa prestihiyosong Los Angeles Asian Film Festival. 

Ayon sa tweet ng IdeaFirst, “THIS JUST IN: Gameboys is an Official Selection to the LOS ANGELES ASIAN FILM FESTIVAL!”

Siyempre dumagsa na naman ang mga pagbati mula sa fans at supporters ng ‘Gameboys’ na pinagbibidahan nina Elijah Canlas at Kokoy De Santos.

Komento nga ni @LexNPeralta sa tweet ng IdeaFirst, “Congratulations guys. Well deserved recognition for all involved!”

Dagdag ni @liamcanlas, “oohh our babies are going to hollywood now”

Sabi pa ni @babynikokoy, “2021 na at…. GAMEBOYS PARIN TALAGA ANG NANANATILING MALAKAS!”

Samantala, lalo pang na-excite ang ‘Gameboys’ fans and supporters dahil pagkatapos ng magandang balita sa LA Asian Filmfest ay inilabas na kagabi, Enero 22, sa YouTube channel ng The IdeaFirst Company ang official teaser ng ‘Gameboys 2.’ Hindi na nga sila makapaghintay sa pagsisimula ng Season 2.

Say ni @robinzki1, “thank you so much for the teaser…so excited for #GameboysHanggangSaHuli miss @elijahcanlas_ and @kkydsnts so much”

Ikinatuwa rin ng marami ang paggamit sa official teaser ng awitin ng sikat na grupong SB19 – ang Hanggang Sa Huli.

Nagpasalamat pa sa IdeaFirst at ‘Gameboys’ ang fans ng SB19 na kilala bilang A’TIN sa bonggang collaboration na ito.

Para naman kay Direk Jun Robles Lana, ‘Gameboys’ executive producer at isa sa mga bossing ng IdeaFirst along with Direk Perci Intalan, bagay na bagay sa ‘Gameboys 2’ ang awitin ng SB19.

“It’s the perfect song to capture all the feels and magic of season 2. But I also look at it as a rallying call to all the fans of ‘Gameboys’ to come together again and celebrate love in all its craziness and spectrum. See you soon! #GameboysHanggangSaHuli,” ani Direk Jun sa kanyang tweet.

Habang naghihintay sa pagdating ng ‘Gameboys 2,’ i-enjoy niyo muna ang official teaser at SB19 collab sa YouTube channel ng The IdeaFirst Company.

(BONGGA by GLEN P. SIBONGA / BISTADODAILYNEWS. NET)